PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sheena Halili, Jeron Manzanero ipinakilala na si Baby Martina

Malusog sa timbang na 6.9 pounds ang unang baby nina Sheena at Jeron.
by Jojo Gabinete
Published Dec 13, 2020
Jeron Manzanero and Sheena Halili show Baby Martin in their social media posts.
Nagsilang na si Sheena Halili ng unang baby nila ng mister na si Atty. Jeron Manzanero. Nag-post na silang dalawa sa kani-kanilang social media accounts ng larawan ni Baby Martina.
PHOTO/S: (Left) Jeron Manzanero Facebook, (Right) @mysheenahalili Instagram

Ang manager ni Sheena Halili na si Becky Aguila ang hiningan namin ng impormasyon tungkol sa pagsisilang ng aktres sa panganay na anak nila ng kanyang asawa na si Atty. Jeron Manzanero, ang City Administrator ng Pasig City.

Normal delivery nang isilang ni Sheena kagabi, December 12, 11:09 pm, sa isang ospital sa Bonifacio Global City ang malusog na si Baby Martina na may timbang na 6.9 lbs.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Sheena na hindi siya makapaniwala na nahahawakan na niya ang bunga ng pagmamahalan nila ni Jeron.

“Hello anak! Hanggang ngayon, di pa rin ako makapaniwala na nahahawakan at nayayakap na kita. Maraming salamat Lord at healthy kaming dalawa,” ang pasasalamat ni Sheena sa Diyos.

“I promise to hold your hand forever, Martina,” ang caption naman ni Jeron sa mga larawan nila ng kanyang anak sa Facebook post niya ngayong gabi.

Ikinasal sina Sheena at Jeron sa isang Christian ceremony sa Blue Leaf Cosmopolitan sa Quezon City noong February 23, 2020.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nagtagal ang paghihintay ng dalawa na magkaroon ng anak dahil nagbuntis agad ang aktres.

Noong June 13, 2020, ipinagtapat ni Sheena sa publiko na thirteen weeks na ang sanggol na ipinagbubuntis niya na malaking hamon sa kanilang mag-asawa dahil nagdalang-tao siya sa panahon ng coronavirus pandemic.

HOT STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagsilang na si Sheena Halili ng unang baby nila ng mister na si Atty. Jeron Manzanero. Nag-post na silang dalawa sa kani-kanilang social media accounts ng larawan ni Baby Martina.
PHOTO/S: (Left) Jeron Manzanero Facebook, (Right) @mysheenahalili Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results