Sina Sarah Geronimo, Anne Curtis, Vice Ganda, Marian Rivera, Angel Locsin, Kathryn Bernardo, at Kim Chiu ang "Magnificent 7" sa mga Pilipinong kasali sa inaugural 100 Digital Stars List ng Forbes Asia.
Mga singer, banda, film, at television stars mula sa Asia-Pacific region na itinuturing na trailblazer, most influential, makapangyarihan ang social media presence, at milyun-milyong ang bilang ng mga tagasubaybay ang ilan sa basehan na ginamit ng Forbes Asia sa pagpili ng 100 Digital Stars.
"We’ve given special focus to celebrities who, despite cancelled physical events and activities, managed to remain active and relevant, largely by using social media to interact with their fans, raise awareness and inspire optimism.
"Many also used their influence to help worthy causes, especially those with a Covid-19 focus.
"To determine the finalists, Forbes Asia evaluated the candidates’ combined social media reach and engagement.
"We also considered their recent work, impact and advocacy, brand endorsements and business endeavors, and their recognition profile on a local, regional and global level. Only those active in film, music, and TV were eligible," paliwanag ng Forbes Asia tungkol sa mga criteria nila sa pagpili ng mga personalidad na kasali sa listahan.
Napasali si Sarah Geronimo sa listahan dahil sa kanyang 2018 hit film Miss Granny, na nagpanalo sa kanya nga Best Actress award sa PMPC Star Awards for Movies noong 2019.
Nabanggit din ang duet nila ng mister niyang si Matteo Guidicelli sa isang COVID-19 benefit concert, noong Marso, na nakalikom ng "roughly $5 million."
Si Anne Curtis ay inilarawan bilang "the Philippines’ most popular Instagram celebrity" dahil sa kanyang 16 million followers. Binanggit din ang kanyang endorsement deals sa ilang malalaking kumpanya.
Ang co-star ni Anne sa 2019 hit film na The Mall, The Merrier na si Vice Ganda ay pinarangalan bilang Best Male TV Host sa PMPC Star Awards for TV.
Ayon pa sa Forbes, si Vice ay "one of the most popular male celebrities in the Philippines" na mayroong 17 million followers sa Facebook.
Si Marian Rivera, ayon sa Forbes, ang "Philippines’ most popular celebrity on Facebook" dahil sa kanyang 23 million followers.
Bagamat hindi raw napapanood ang Kapuso actress sa TV at pelikula, mula nang isilang niya ang pangalawang anak na si Ziggy noong 2019, aktibo raw ito sa social media at pag-e-endorse ng iba't ibang brands.
Dahil sa kanyang 19 million followers, si Angel Locsin ang "second most popular Filipina celebrity on Facebook."
Binangit ng Forbes ang kanyang hit primetime series sa ABS-CBN na The General’s Daughter, kung saan nanalo siyang Best Drama Actress Star Awards for TV noong 2019.
Hindi rin nakaligtaan ng Forbes na banggitin ang pagdu-donate ni Angel ng humigit-kumulang P15 million ($310,000) nitong nakalipas na dekada sa iba't ibang causes, na siyang dahilan para mapabilang siya sa Heroes of Philantrophy list noong 2019. Kamakailan ay tumulong si Angel na makalikom ng P11.3 million para sa pagbili ng 246 hospital tents para sa medical workers na nakikipaglaban sa pandemya.
Si Kathryn Bernardo ay nagbida sa dalawa sa highest-grossing films ng Pilipinas:The Hows Of Us (katambal si Daniel Padilla) noong 2018 atHello, Love, Goodbye (katambal si Alden Richards) noong 2019. Kumita ang dalawang pelikula ng "roughly $20 million."
Dahil sa kanyang pagganap sa Hello, Love, Goodbye, hinirang siyang Film Actress of the Year at Phenomenal Star of Philippine Cinema sa Box Office Entertainment Awards noong Okrubre.
Ginamit naman ni Kim Chiu ang kanyang viral video gaffe noong Mayo para sa kantang "Bawal Lumabas." Ang kanyang live performance para sa nasabing kanta ay nakapagtala ng mahgit 9 million views sa YouTube. Nagbenta rin siya ng "Bawal Lumabas" T-shirts upang makalikom ng pondo para sa pandemic relief.
Kabilang din sa listahan ng 100 Digital Stars ng Forbes Asia sina Mauro Maurer at Urassaya Sperbund ng Thailand; Lee Min-ho,Kim So-Hyun, Lee Dong-wook, ang K-pop groups na BTS at BLACKPINK ng South Korea; Hugh Jackman, Chris Hemsworth, at Keith Urban ng Australia; Shahid Kapoor ng India; at Jay Chou ng Taiwan.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika