PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Super Sireyna Francine Garcia, binatikos ng ilang LGBT members dahil sa eksenang umihi siya nang nakatayo

Trans woman Francine Garcia, na-try ang P1K coffee sa luxury Tagaytay cafe.
by Jojo Gabinete
Published Dec 4, 2020
Depensa ni Super Sireyna 2013 winner Francine Garcia sa LGBT members na nainsulto sa kanyang eksena sa Pakboys: Takusa: "But more than anything, that short clip actually is a conversation starter on certain topics... It may be comedic, but there are underlying discussion points there."
PHOTO/S: Francine Gar

Ang Super Sireyna 2013 winner na si Francine Garcia ang tampok sa isang eksena sa trailer ng Pakboys: Takusa, isa sa entries sa Metro Manila Film Festival 2020.

Sa totoong buhay, kilalang trans woman ang beauty queen-actress na si Francine.

Ang Pakboys, na iprinodyus ng Viva Films, ay pinagbibidahan nina Janno Gibbs, Andrew E, Dennis Padilla, at Jerald Napoles.

May eksena sa trailer ng pelikula kunsaan magugulat si Dennis nang makita niyang umiihi nang nakatayo ang inakalang sexy at magandang dilag na ginagampanan ni Francine.

Kinokondena ng ilang miyembro ng LGBT (lesbian, gay, bisexual transgender) community ang eksenang iyon ni Francine dahil nakakainsulto raw ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil siya ang tampok sa pinag-uusapang eksena at higit na may karapatang magsalita, inalam ng Cabinet Files ang opinyon ni Francine tungkol sa mga bayolenteng reaksiyon ng ilang LGBTQ members.

Nagpakatotoo si Francine nang aminin niyang nagdalawang-isip siyang gawin ang kontrobersiyal na eksena.

Pero pumayag daw siya matapos ipaliwanag sa kanya nang husto ng direktor na si Al Tantay kung bakit ganun ang hinihingi ng eksena.

"At first, I hesitated to do the scene because I thought it was shallow and I always try to uplift the trans community through the characters I portray.

"But Direk Al talked to me and explained what he wanted to show sa scene, so I understood and got the point of the scene."

Sa kabilang banda, nauunawaan din daw niya ang pinanggagalingan ng pagkabahala ng kanyang mga kapwa trans women.

"I understand where they are coming from. But more than anything, that short clip actually is a conversation starter on certain topics.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dapat nga bang may sariling restroom ang LGBT? Dapat bang issue ang pagtugon sa tawag ng kalikasan ng isang indibidwal? Dapat bang ikahiya ang pagiging LGBT?

"It may be comedic, but there are underlying discussion points there."

Swabeng umapela rin si Francine na sana ay intindihan din ang pinanggalingan niya sa isyu.

"Criticism is everywhere. Yes, I agree na mas may impact lang kapag galing sa kapwa mo, but you need to have discernment.

"Kailangan alam mo which criticism is destructive and which is constructive and take it from there."

no LOVE LIFE for now

Isa si Francine sa transgender women na hinahangaan dahil sa kanyang angking ganda.

Pero sa kabila ng kanyang kahali-halinang katangian, walang love life si Francine.

Kaligayahan na raw niya ang manood ng Netflix movies.

"Sa sobrang babaw siguro ng happiness ko, makatambay lang sa ako kuwarto ko ng three days and Netflix lang, sobrang saya ko na.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Love life na lang talaga ang kulang, pero by choice!" natatawang pahayag ni Francine.

Sa Sabado, December 5, ay magdiriwang ng kaarawan si Francine.

Ano ang kanyang birthday wish?

Sagot niya, "My birthday wishes may be clichè pero I really hope that this pandemic ends sooner and my family and loved ones are always healthy."

LUXURY CAFÉ EXPERIENCE

Nauna nang mag-celebrate si Francine ng kanyang kaarawan nang mamasyal siya sa Antinous Luxury Café, isang posh coffee shop sa Tagaytay City, kahapon, December 3.

Exclusive at for-members-only ang naturang luxury ca, na isang libo pataas ang presyo ng kape na maiinom mula sa branded mugs gaya ng Hermes at Louie Vuitton.

Mapalad si Francine dahil personal ang imbitasyon sa kanya ng coffee shop owner.

Masiglang lahad niya: "I was invited by the owners to try their coffee initially without knowing na the mugs that they use to serve coffee are from luxury brands.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, nakaka-happy! And sa lahat ng negativity na nangyayari now, iba ang happiness ng experience with Antinous Luxury Café.

"Kasi for a coffee and beautiful-things lover like me, nakakatanggal talaga siya ng anxiety.

"Kaya naman I feel na, 'Wow, I was one of the first few to experience what they can offer,' since first in the Philippines ang luxury café na may membership and strictly by appointment."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang mugs na ginamit mo sa pag-inom ng kape?

"I used Hermes and Versace," sagot ni Francine ukol sa mugs na may halagang US$345.00 at US$375, respectively.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Depensa ni Super Sireyna 2013 winner Francine Garcia sa LGBT members na nainsulto sa kanyang eksena sa Pakboys: Takusa: "But more than anything, that short clip actually is a conversation starter on certain topics... It may be comedic, but there are underlying discussion points there."
PHOTO/S: Francine Gar
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results