Sina Josef Elizalde at AJ Muhlach ang leading men ni Ryza Cenon sa Bella Bandida, ang action-drama series ng TV5.
Ang mga karakter na ginagampanan nina Josef at AJ ang katulong ni Bella sa pagtatanggol sa mga naaapi.
Pero ipinagtapat ng dalawa na, sa tunay na buhay, kapwa sila naging biktima ng bullying. Nagkaroon ito ng malaking epekto sa mga pagkatao nila.
Kuwento ni AJ, "Na-bully ako noong high school at elementary days. May mga words na sinasabing hindi maganda or hinuhusgahan ka.
"May mga bagay na nakapag-move on na ako, pero may mga bagay rin na medyo nag-stick siya sa personality ko, unconsciously.
"The way I talk to people, the way ako na makisama sa tao, naapektuhan yung personality ko. Maybe in a good way, maybe in a bad way, pero nandoon siya.
"So, I can’t say na na-overcome ko na lahat ang pambu-bully na nangyari."
Hinding-hindi na maaaring apihin si AJ dahil nag-aral siya ng Pekiti-Tirsia Kali, ang Filipino combat art na ginagamit ng mga militar at napakinabangan niya sa kanyang mga action stunt sa Bella Bandida.
Kakaiba naman ang kuwento ni Josef.
Hindi lamang ito naging biktima ng bullying, kundi siya rin ang bully noon. Pinagsisihan daw niya ito ngayon.
Saad ni Josef, "Before, nambu-bully ako, which I regret. Sorry sa mga na-bully ko.
"Pero I guess, being a bully before made me also realize na I know also know how it feels to be bullied.
"Doon ko na-realize na hindi pala maganda yung ginagawa ko, hindi pala okey sa pakiramdam.
"Yung iba kasi hindi natin alam kung paano dinaramdam ng tao ang mga nasasabi sa kanila.
"May mga sinabi sa akin before na masasakit na hanggang ngayon hindi ko pa nalilimutan and, I guess, dun ako natuto na hindi pala talaga tama na mam-bully ng tao.
"Pero nag-sorry naman ako sa mga na-bully ko," may pagsisising sabi ni Josef.
Nabigyan ng malaking break si Josef sa Bella Bandida dahil siya ang love interest ng karakter ni Ryza.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika