PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ryza Cenon, bida sa role na unang pinasikat ng '70s sex symbol na si Rosanna Ortiz

Ryza Cenon, sumabak sa action scenes kahit buntis na noon.
by Jojo Gabinete
Published Nov 25, 2020
ryza cenon bella bandida
Ryza Cenon (left) reprises the role of Bella Bandida, originally portrayed by '70s sex symbol Rosanna Ortiz (right) in a 1971 movie.

Ngayong gabi, November 25, 9:30 p.m., ang pilot telecast sa TV5 ng Bella Bandida, action-drama series na pinagbibidahan ni Ryza Cenon.

Walang kamalay-malay si Ryza na buntis na siya nang mag-umpisa ang taping ng Bella Bandida, pero mapapansin sa kanyang mga eksena na “blooming” ang itsura niya.

Dahil hindi alam ni Ryza na buntis siya, ang aktres ang personal na gumawa ng kanyang mga action scene.

Pero kung nalaman agad ni Ryza ang kalagayan niya noon, tatanggapin pa rin nito ang project, basta may permiso mula sa kanyang OB-GYN.

"If ever po na nalaman ko na buntis ako, I think itutuloy ko pa rin ang Bella Bandida. Itatanong ko lang sa OB-GYNE ko kung kaya.

"Pero kung may pandemic, hindi ko yata makakaya na i-risk ang pagbubuntis ko,” sabi ni Ryza.

Nagpapasalamat si Ryza dahil ipinagkatiwala sa kanya ng Viva Television ang pagbibida sa Bella Bandida, na unang binigyang-buhay ni Rosanna Ortiz sa pelikula noong 1971.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

rosanna ortiz sex symbol

Rosanna Ortiz

Ang National Artist for Visual Arts na si Francisco V. Coching ang creator ng Bella Bandida, na serialized noon sa Liwayway magazine at isinapelikula ng Valor Productions.

Ipinalabas sa mga sinehan ang Bella Bandida noong May 5, 1971. Isa ito sa mga unang pelikulang ginawa ni Roderick Paulate bilang child actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi lamang ang Bella Bandida ang popular sa mga isinulat ni Coching para sa komiks.

Siya rin ang lumikha sa karakter ni El Vibora, ang Filipino patriot na nakipaglaban sa pananakop ng mga Kastila at Amerikano sa ating bansa.

Tulad ng Bella Bandida, nagkaroon ng film version noong 1972 ang El Vibora na tinampukan ni Vic Vargas. Idinirek ito ng National Artist for Cinema na si Ishmael Bernal.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryza Cenon (left) reprises the role of Bella Bandida, originally portrayed by '70s sex symbol Rosanna Ortiz (right) in a 1971 movie.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results