PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aga Muhlach, magbabalik sa TV5 via Masked Singer Pilipinas

Aga Muhlach, balik-Kapatid pagkatapos ng anim na taon.
by Jojo Gabinete
Published Sep 26, 2020
Pagkatapos ng anim na taon ay magbabalik sa TV5 ang aktor na si Aga Muhlach. Isa siya sa mga hurado ng Masked Singer Pilipinas, isang reality show na hango sa isang sikat na programa sa South Korea.
PHOTO/S: Allan Sancon

Ipinakikita na ng TV5 ang teaser ng Masked Singer Pilipinas, ang reality singing-competition series na mapapanood simula sa October 24, 7 P.M.

Ang Masked Singer Pilipinas ang hudyat ng pagbabalik ni Aga Muhlach sa Kapatid Network dahil isa siya sa apat na hurado.

Makakasama ni Aga sina Cristine Reyes, Kim Molina, at Matteo Guidicelli bilang judges.

Si Billy Crawford ang host ng Masked Singer Pilipinas, na Philippine franchise ng South Korean reality show na nagsimula noong 2015.

Naging Kapatid star si Aga mula 2011 hanggang 2014. Siya ang host ng infotainment program na Pinoy Explorer (2011-2013) at ng game show na Let’s Us Pilipinas (2013-2014).

Naranasan ni Aga maging hurado sa Pinoy Boyband Superstar ng ABS-CBN noong 2016. Iyon ang huling regular TV show niya.

Muling naging visible si Aga sa TV noong huling bahagi ng 2019 dahil sa mga promo guesting niya para sa Philippine adaptation ng Miracle in Cell No. 7, ang topgrosser sa 45th Metro Manila Film Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Masked Singer Pilipinas ang isa sa pinakaaabangang bagong programa ng TV5 dahil sa mga kakantang celebrity contestants na top secret ang mga katauhan.

Marami ang mga artistang mabibigyan ng exposure at trabaho sa Masked Singer Pilipinas dahil labindalawa hanggang labinwalong mystery celebrity contestants ang maglalabn-laban kada isang taping day.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos ng anim na taon ay magbabalik sa TV5 ang aktor na si Aga Muhlach. Isa siya sa mga hurado ng Masked Singer Pilipinas, isang reality show na hango sa isang sikat na programa sa South Korea.
PHOTO/S: Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results