PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pag-back out ni Aktres sa isang movie project, ipinagpasalamat ng production crew

"Nagluka-lukahan" daw sabi ng production crew.
by Jojo Gabinete
Published Aug 30, 2020
Basta na lang daw hindi na nagpakita pang muli sa movie set si Aktres na opinionated at malaki ang inilusog.

“Nagluka-lukahan” ang ibinigay na dahilan ng production crew kaya nawala ang aktres sa movie project nila.

Kasama ang aktres sa opening scene ng pelikula pero wala na siya sa mga sumunod na eksena dahil hindi niya sinipot ang shooting.

“Ayaw na niyang mag-shooting at marami siyang gusto,” ang sabi ng production crew.

Imbes na manghinayang, nagpapasalamat nga raw sila dahil umayaw agad ang aktres, kaya hindi na ito nagbigay sa kanila ng mga karagdagang problema.

Blessing in disguise din na nag-back out ang aktres dahil kung tinapos niya ang project, tiyak na hindi siya makaliligtas sa “body shaming.”

Malaki ang inilusog ng aktres at ito ang madalas na ipinipintas laban sa kanya ng mga tao na sawang-sawa na sa pagka-opinyonada niya.

Hindi nawawalan ng opinyon ang aktres sa lahat ng isyu.

Ang kanyang matalas na pananalita ang dahilan kaya madalas na kinukuyog siya ng bashers na wala nang nakitang maganda sa mga ginagawa at sinasabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Basta na lang daw hindi na nagpakita pang muli sa movie set si Aktres na opinionated at malaki ang inilusog.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results