PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nurse na nagpaanak sa bangketa, nakilala na matapos abangan ng news reporters

News reporters, inabangan ang nurse na nagpaanak sa street dweller.
by Jojo Gabinete
Published Aug 19, 2020
Natukoy na ang nurse na nagpaanak sa isang homeless woman sa bangketa ng Estrella Street at Osmena Highway, Makati City, kahapon, August 18. Siya ay si Mary Lorraine Pingol, na nagtatrabaho sa MediCard.
PHOTO/S: Bangkal Ferds Makati Facebook

Nakilala na ang mystery nurse na tumulong sa panganganak ng isang street dweller sa bangketa ng Estrella Street at Osmeña Highway, Makati City, kahapon, August 18.

Siya ay si Mary Lorraine Pingol.

Papasok sa trabaho si Pingol nang hingin ng mga miyembro ng Bangkal Fire Emergency Rescue Disaster Support Team ang kanyang tulong sa pagpapaanak kay Jeka Rausa, 31.

Maliban sa kanyang first name, tumanggi si Pingol na magpakilala o sabihin sa Bangkal FERDS Team ang kanyang kumpletong pangalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam ng Cabinet Files kay Bangkal Kagawad Christian Jacinto kahapon, sinabi nitong maraming mga nurse ang nakatira sa isang dormitoryo, malapit sa Osmeña Highway. Tuwing umaga, sinusundo sila ng shuttle service sa pick-up point sa naturang lugar.

Kaninang umaga, August 19, namataan ng mga tauhan ni Jacinto na iniinterbyu ng mga reporter ng TV networks si Pingol.

Nakumpirma ng Cabinet Files ang kuwento ni Jacinto na inabangan ng TV crew ang pagdating ni Pingol sa shuttle pick-up point sa Osmeña Highway sa pagbakasakaling makausap ang mailap na mystery nurse.

Hindi naman sila nabigo.

Hindi na nakaiwas ang 29-year-old nurse sa TV crew na nag-abang sa kanya kaya napilitan siyang magpakilala at magpainterbyu.

Nagtatrabaho si Pingol bilang nurse sa MediCard.

Kahapon, nagmamadali na siyang pumasok sa trabaho nang tawagin siya ng Bangkal Rescue team para tulungan si Rausa.

Matagal nang hindi nakapagpapaanak ng sanggol si Pingol, pero tinulungan niya ang pasyenteng makapagluwal nang maayos ng isang baby girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi siya nagkait ng tulong dahil bahagi raw ito ng kanyang sinumpaang tungkulin.

Nagkaroon noon ng leukemia si Pingol.

In remission siya kaya sa isang health maintenance organization company siya nagtatrabaho ngayon, hindi sa ospital.

Ipinagmamalaki si Pingol ng kompanyang pinaglilingkuran dahil hindi siya natakot onagdalawang-isip tumulong sa nangangailangan sa kabila ng COVID-19 scare.

MORE CABINET FILES STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Natukoy na ang nurse na nagpaanak sa isang homeless woman sa bangketa ng Estrella Street at Osmena Highway, Makati City, kahapon, August 18. Siya ay si Mary Lorraine Pingol, na nagtatrabaho sa MediCard.
PHOTO/S: Bangkal Ferds Makati Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results