PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jiro Manio, kailangan nang maipagamot dahil sa kakaibang kinikilos nito

Kamag-anak ni Jiro, nananawagan ng tulong para maipagamot ang dating aktor.
by Jojo Gabinete
Published Aug 11, 2020
"Need pa rin ni Jiro ng medication dahil may mga ginagawa at sinasabi pa rin siya na unusual, tulad po ng pagsasalita at tumatawang mag-isa. Paiba-iba ang mga sinasabi niya na mahirap maintindihan, pero madalas, tahimik siya," pahayag ng isang kamag-anak ng dating child actor na si Jiro Manio.
PHOTO/S: PEP File

Attempted homicide ang kasong isinampa laban sa former award-winning child actor na si Jiro Manio.

Noong January 17, 2020 nangyari ang pananaksak ni Jiro sa isang Zeus Doctolero sa Barangay San Roque, Marikina City.

Ilang araw lamang nakulong si Jiro dahil nakalaya siya matapos magpiyansa ng kanyang pamilya.

Nanggaling ang impormasyon mula sa isang kamag-anak ng 28-year-old actor na eksklusibong nakausap ng Cabinet Files nitong Martes ng hapon, August 11.

Saad ng kamag-anak, "Hindi naman po matagal na nakulong si Jiro dahil nakahingi ng tulong ang pamilya namin kaya nakapagpiyansa siya para sa kanyang attempted homicide case.

"Nag-attend siya ng first hearing, pero hindi na nagpakita ang kalaban niya.

"Dapat noong March 2020 ang second hearing nila, pero hindi natuloy dahil sa coronavirus pandemic."

Nanindigan ang kamag-anak ni Jiro na self-defense ang ginawa ng aktor dahil marami ang testigong nagpatunay na ipinagtanggol lamang ng aktor ang sarili.

Naglilingkod si Jiro bilang helper sa isang restaurant sa Marikina City nang mangyari ang pananaksak niya kay Doctolero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Buhat noon, nawalan si Jiro ng trabaho at naghiwalay na sila ng kanyang girlfriend.

Sa kasalukuyan, nakatira siya sa bahay ng kanyang nakagisnang ama sa isang bayan sa Rizal.

JIRO MANIO'S MENTAL HEALTH

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na mentally unstable na si Jiro.

Kailangang-kailangan niya ng tulong, financially and emotionally, lalo na ngayong sumusumpong ang kanyang karamdaman.

Ayon sa kamag-anak ng dating child actor, "Need pa rin ni Jiro ng medication dahil may mga ginagawa at sinasabi pa rin siya na unusual, tulad po ng pagsasalita at tumatawang mag-isa.

"Paiba-iba ang mga sinasabi niya na mahirap maintindihan, pero madalas, tahimik siya.

"Ang problema po, gipit din kami kaya hindi namin siya maipagamot. Gusto sana namin siyang ibalik sa rehabilitation center sa Bataan.

"Ang kaso, nagkaroon ng pandemic kaya hindi kami makabiyahe," pahayag sa Cabinet Files ng nagmamalasakit na kamag-anak ni Jiro.

Ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas ang nagdala noon kay Jiro sa rehabilitation center sa Bataan, na malaki ang naitulong para gumaling siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kasamaang-palad, bumalik sa dati ang kundisyon ng aktor nang lumabas ito mula sa rehab at lumuwas ng Maynila dahil sa pag-aakalang makababalik pa siya sa showbiz.

Sabi ng kamag-anak ni Jiro, "Bago nagkaroon ng pandemic, gusto naming patingnan si Jiro sa psychiatrist para mabigyan siya ng tamang gamot.

"Ayaw po niya pumayag dahil, para sa kanya, mga baliw lang ang nagpapatingin sa psychiatrist.

"Ayaw rin niyang bumalik sa Bataan kaya hindi namin alam kung paano siya mapapatingnan sa doktor.

"Gustung-gusto po talaga naming maipagamot siya pero ayaw niya.

"Palaging sinasabi ni Jiro na hindi siya baliw, kaso iba talaga ang mga ikinikilos niya."

Nananawagan ang kamag-anak ni Jiro sa sinumang pwedeng makatulong sa kanila para muling maipagamot ang dating child actor, na in denial daw sa tunay na kalagayan ng kanyang mental health.

Gipit na gipit ang pamilya ni Jiro kaya, nahihiya man, tatanggap sila ng tulong para mabili ang mga gamot na kailangan ng aktor.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Para sa mga nagnanais na tumulong kay Jiro, maaaring makipag-ugnayan sa cellphone number 0905-522-2190.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Need pa rin ni Jiro ng medication dahil may mga ginagawa at sinasabi pa rin siya na unusual, tulad po ng pagsasalita at tumatawang mag-isa. Paiba-iba ang mga sinasabi niya na mahirap maintindihan, pero madalas, tahimik siya," pahayag ng isang kamag-anak ng dating child actor na si Jiro Manio.
PHOTO/S: PEP File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results