PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sarah Geronimo at Matteo Gudicelli, may paliwanag sa kasalukuyang naglalakihang electric bills

Nakuha nina Sarah at Matteo ang atensyon ng sambayanang Pilipino ngayon.
by Jojo Gabinete
Published Aug 8, 2020
Unang advertising project nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli bilang mag-asawa ang infomercial tungkol sa national concern na naglalakihang electric bills.

“Electrifying“ para sa fans nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang bagong project nila bilang mga spokespersons ng Meralco.

Ang infomercial ng electric-power distribution company ang unang project nina Sarah at Matteo bilang mag-asawa.

Nakuha ng Guidicelli couple ang atensyon ng sambayanang Pilipino dahil national concern o pambansang alalahanin ang malaking halaga ng electric bill na babayaran mula Marso, Abril, at Mayo.

Ito ang mga buwan na ipinatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) kaya hindi nagkaroon ng meter reading.

Sinabi nina Sarah at Matteo na bilang bagong mag-asawa, sabay silang natututo sa buhay at sabay na pinag-aaralan ang mga bayarin sa bahay kaya ipinagtaka rin nila ang kanilang mataas na electricity bill.

Huwag mangambang baka maputulan ng kuryente, payo nina Sarah at Matteo sa lahat, dahil tinitiyak daw ng Meralco na walang disconnection na mangyayari hanggang sa September 30, 2020.

Nagpaliwanag ang Guidicelli couple na estimated bills lamang ang natanggap ng mga consumer para sa Marso, Abril, at, para sa iba, sa buwan ng Mayo dahil sa lockdown.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang May o June ay actual meter reading na. Kung May ang actual reading, ibabawas dito ang huling reading bago mag-ECQ. Yun lang po ang ating babayaran, hanggang tatlong buwang kunsumo,” ang paglilinaw ni Sarah.

Idinagdag naman ni Matteo, "Kung ang estimated readings sa May at June ang actual reading, ibabawas din dito ang huling reading bago mag-ECQ.

“Yan lang po ang ating babayaran, hanggang apat na buwan na konsumo. Walang labis!

"Tandaan, kung ano lang konsumo..."

"Yun lang ang babayaran," salo ni Sarah.

Sa paliwanag na ito ng Guidicellis, tila inaasahan ng Meralco na hindi na sila puputaktihin ng mga reklamo.

Inaasahan ng electric-power giant na malilinawan ng mga consumer ang pinoproblema nilang electric bills nila na nagkapatong-patong dahil sa ECQ mula Abril hanggang Mayo 2020.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Unang advertising project nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli bilang mag-asawa ang infomercial tungkol sa national concern na naglalakihang electric bills.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results