PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bagong show ng showbiz personality, nanganganib di matuloy dahil sa pulitika

TV executives, tutol sa pagpapalabas ng programa ng showbiz personality?
by Jojo Gabinete
Published Jul 7, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Nanganganib hindi matuloy ang bagong programa ng isang showbiz personality.

Ayon sa nakalap naming impormasyon, mismong ang mga executive ng TV station na pagtatanghalan ng kanyang show ang tumututol.

Reportedly, may kinalaman ang "pulitika" kaya malaki ang posibilidad na maudlot ang programang wala pa sa ere.

Tiyak na malulungkot ang showbiz personality dahil nagsimula nang lumabas ang kanyang publicity tungkol sa bagong project niya sa telebisyon.

Maraming negosyo ang nagsara, maraming artista ang nawalan ng trabaho, at pansamantalang nagpahinga ang halos lahat ng TV shows dahil sa coronavirus pandemic.

Sumabay pa sa mga pagsubok sa entertainment industry ang malaking problema ng ABS-CBN sa franchise application nito.

Imbes na malungkot, isipin na lang ng showbiz personality na baka blessing in disguise na hindi matutuloy ang show niya.

Mahirap mag-umpisa ng bagong programa habang hindi pa nalulutas ang tumitinding problema ng Pilipinas sa COVID-19 pandemic.

Hindi naman nag-iisa ang showbiz personality dahil nawalan din ng source of income at TV exposure ang mga kasamahan niya sa industriya ng pelikula at telebisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mapalad pa rin ang showbiz personality dahil may negosyo siyang puwedeng pagkaabalahan.

Habang ang ibang mga artista ay nahihirapan sa paghahanap ng mga mapagkakakitaan, bilang walang katiyakan kung kailan muling magiging aktibo ang mga networks sa production ng TV shows.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results