PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

GMA-7 meteorologist Mang Tani: Paghandaan ang storm surge kasabay ng hagupit ng Bagyong Ambo

Bicol Region, pinaghahanda sa pananalasa ng Bagyong Ambo.
by Jojo Gabinete
Published May 14, 2020
Nasa Bicol Region ang mata ng Bagyong Ambo ngayong Huwebes ng gabi, May 14. Pinaalalahanan ang mga residente na bukod sa malakas na ulan ay posibleng may banta rin ng lahar flow mula sa Mt. Mayon.
PHOTO/S: Mang Tani Instagram / 24 Oras

Sinabi ni GMA-7 resident meteorologist Nathaniel “Mang Tani" Cruz ang magiging malaking problema ng bansa kapag sumabay ang panahon ng tag-ulan at bagyo sa coronavirus pandemic.

Ayon kay Mang Tani, hindi nawawala ang posibilidad na makaranas ng super typhoon ang Pilipinas kaya dapat paghandaan ng local at national government ang pagdating ng kalamidad.

Ito ay sa gitna ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa COVID-19.

Nakapanayam ng Cabinet Files si Mang Tani noong April 26.

Nangyayari ngayon ang pinangangambahan ni Mang Tani, dahil kasalukuyan nang nararamdaman sa Bicol region at sa Eastern Visayas ang hagupit ni Typhoon Ambo.

May lakas ito na 155 kph, bugso na 255 kph, at galaw sa kanluran na 15 kph.

Signal No. 3 ang tropical cyclone wind sa maraming lugar sa Bicol, tulad ng Sorsogon, Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, at sa Albay, na kinaroroonan ng Mayon Volcano.

Nakataas naman sa Alert No. 2 ang inilabas na lahar advisory ng PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nararamdaman na rin sa Metro Manila, Southern, at Northern Luzon ang masungit na panahon na hatid ni Typhoon Ambo dahil sa mga pag-ulan ngayong gabi, May 14.

Inaasahang magtatagal ito hanggang sa Sabado, May 16.

"Yun ang isang inaalaala natin, kung saan sumabay pa itong bagyong Ambo," saad ni Mang Tani sa live broadcast ng 24 Oras nitong Huwebes ng gabi.

"Kakaiba itong bagyong Ambo kung saan mapapansin natin ang tulin ng kanyang paglakas na ngayon nga ay umaabot ng 155 kph.

Pinaalalahanan din ang mga residente ng Metro Manila na maging handa sa kalamidad.

"Maging dito sa Metro Manila, dapat maging I AM READY, lalo na yung mga nakatira sa mga creek, sa mga mabababang lugar, dahil may posibilidad na makaranas tayo ng mga bugso ng malalakas na pag-ulan.

"Pero dahil wala naman tayo sa kasagsagan ng hanging habagat, so hindi natin inaasahan yung mga tuloy-tuloy na pag-ulan.

"Pero to be on the safe side, talagang maging I AM READY ho tayo,” ang dagdag na pahayag ni Mang Tani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para hindi na maulit ang trahedya na dulot ni Super Typhoon Yolanda sa Eastern Visayas noong November 2013, mahigpit ang bilin ni Mang Tani tungkol sa storm surge.

"Yung Signal number 3 at yung Signal number 2—yung mga nakatira sa mga dalampasigan, yung mga nakatira sa mga storm-surge prone areas ay dapat maging I AM READY sila.

"Lalong-lalo diyan sa Bicol region, Sorsogon, Albay, Camarines Norte—na kung saan posible dahil, lalo ngayong gabi, tatawid yung bagyo diyan, e, ganoon kalakas.

"Kaya dapat maging handa ang mga Kapuso natin sa storm surge."

Dapat din daw paghandaan ng mga lugar kunsaan maaaring magdulot ng mga pagbaha at landslide.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nasa Bicol Region ang mata ng Bagyong Ambo ngayong Huwebes ng gabi, May 14. Pinaalalahanan ang mga residente na bukod sa malakas na ulan ay posibleng may banta rin ng lahar flow mula sa Mt. Mayon.
PHOTO/S: Mang Tani Instagram / 24 Oras
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results