Ang "New Normal" na pamumuhay ang mararanasan ng lahat kapag natapos na ang Enhanced Community Quarantine.
Ito ay bunsod ng maraming pagbabago dulot ng coronavirus pandemic.
Kasabay ng pagiging palasak ng new normal ang "New Look" ng ilang showbiz personalities.
Sinamantala ng tatlong showbiz personalities ang more than two months na enforced quarantine para sa improvement ng kanilang physical appearance.
SUBJECT NO. 1
Isang aktres ang hindi na nakilala ng kanyang kapwa artista dahil sa malaking pagbabago ng hitsura niya.
Tiyak na hindi aamin ang aktres, pero halatang-halata na may ipinaayos siya sa mukha.
Bilang panglito, binago niya ang hairstyle para ito ang unang mapansin ng mga kaibigan at fans.
Ang pagpapalit ng hairstyle at ang pagpapakulay at pagpapagupit ng buhok ang ilan sa mga ipinapayo ng cosmetic surgeons sa mga pasyenteng hindi pa handang aminin ang kanilang “beautification project.”
SUBJECT NO. 2
Beterana na sa pagpapaayos ng mukha ang isang singer-actress.
Pero sa panahon ng enforced quarantine, ang kanyang manipis na labi ang napagdiskitahan niyang baguhin.
Hindi maipagkakailang pinag-initan ng singer-actress ang labi niyang dating manipis pero makapal na ngayon.
Yun nga lang, tila napadami ang isinaksak na hyaluronic acid-based fillers sa labi ng singer-actress.
Kaya imbes na pouty lips, parang forever nang namamaga ang kanyang nguso na mistulang kinagat ng mga nagrerebeldeng bubuyog.
SUBJECT NO. 3
Ang pagkakaroon naman ng bridge sa ilong ng singer-actor ang napuna ng kanyang mga tagahanga.
Hindi epekto ng enforced quarantine ang pagtangos ng ilong ng singer-actor dahil nagbago na ito bago pa nakarating sa Pilipinas ang coronavirus pandemic.
Para hindi obvious na may dapat siyang ipagpasalamat kay Doc, binura ng singer-actor sa social media accounts nito ang mga litrato niya noong hindi pa katangusan ang kanyang ilong.
Pero may ebidensiya pa rin ang mga imbestigador dahil nagkalat sa Internet ang mga larawan ng singer-actor na puwedeng gamitin sa kanyang before-and-after look kung sakaling mag-deny siya.