Mula nang ipatupad ang enforced quarantine noong March 15, halos hindi na umalis ng bahay si Boy Abunda.
Kung lumabas man siya, kasama niya ang kanyang longtime partner na si Bong Quintana para tumakbo sa Quezon City village na kanilang tinitirhan.
"I love being at home," sabi ni Boy sa exclusive interview sa kanya ng Cabinet Files.
"Alam mo naman ako, bigyan mo lang ako ng libro, buhay ako.
"Si Bong naman, patakbuhin mo lang ‘yan, tumatakbo kami dito, but we are required to wear a mask.
“Napakahirap pero kailangan sumunod ka."
LUXURY INSIDE THE HOUSE
Itinuturing ni Boy na isang "luxuy" ang pananatili niya sa loob ng bahay.
Ito ay dahil sa buong buhay raw niya ay nasa labas siya ng bahay.
Saad niya, "I’ve been outside, I’ve been in the outside world all my life.
"Marami akong na-miss sa loob ng bahay, sa loob ng pagkatao ko.
"Kamamatay lang ni Nanay noong December 1, I’m still in grief.
"Alam mo kami ni Bong, ngayon andito kami sa lanai, bukas nandoon kami sa may altar.
"We’re exploring lahat ng sulok ng bahay.
"'Doon tayo sa basement, ito ang babasahin natin, ito ang pag-uusapan natin.'"
Hindi ba niya nami-miss ang lumabas?
"Hindi! Wala akong nami-miss," sagot ni Boy.
"I spent most of my life outside my home.
"Kung ito ang makakabuti, kumukuwestiyon muna ako.
"Pero after a while, 'Teka muna, this is not just about my safety. We’re talking about the safety of all.'
"Ngayon, na-realize natin na ang nangyayari dito sa Pilipinas, nangyayari rin sa ibang mga bansa.
"Equalizer talaga itong COVID-19.
"It’s basically telling us na, ‘Huy, bisitahin mo naman ang sarili mo. Huy, kilalanin mo naman ang sarili mo.'
"At saka I’ve been praying and hoping na we come out of this na better, a better person, a more compassionate person, a kinder person.
"Kasi ang iksi ng buhay."
OUTSIDE WORLD
Ano naman ang nami-miss niya sa outside world?
"Yung miss? I don’t know, what can I miss in the outside world?
"Siguro friends…
"I don’t miss the outside world as much I miss my home, my family, and myself.
“Ano bang ginawa natin sa mga sarili natin all these years?
"Itong panahon na ito, it’s you and your God.
"Dito mo tatanungin ang sarili mo, 'Sino ka? Ano ba ang purpose mo?'"
Magmula rin nang ipatupad ang enforced quarantine, nagsusulat ng journal si Boy.
"Nakakatawa, kung ano-ano ang pinagsususulat ko. Enjoy talaga ako sa bahay,” sabi niya.
Natawa si Boy nang sabihin naming hindi na siya naiiba kay Anne Frank, pero hindi raw niya balak na ilagay sa attic ang kanyang diary.
NO TO SOCIAL MEDIA
Kung ang halos lahat ay social media ang pinagkakaabalahan habang nasa loob ng bahay, si Boy ay hindi.
Sa katunayan, wala siyang personal social media account.
Paliwanag niya, “Ayoko, ayoko. I will not give this generation a chance to define me.
"I will not allow this generation via social media to define who I am."
Kahit daw yung mga Facebook page ng mga programa ni Boy ay hindi niya binabasa ang comments.
"I never read comments, not because I’m afraid, hindi ako pikon.
"But I will not allow praise and criticism to affect me. Ayoko," pahayag ni Boy.