Noong April 30, umabot na sa PHP6.036 million ang nalikom ng I Am Hope, ang charity organization na itinatag ni Bea Alonzo at ng kaibigang si Rina Navarro.
Si Rina ay co-producer ng 2014 movie na Bonifacio: Ang Unang Pangulo, na pinagbidahan ni Robin Padilla.
Katuwang din nina Bea at Rina sa I am Hope ang aktor na si Vhong Navarro, theater actress na si Tricia Canilao, at PR excutive-events host na si May Militante.
Ginamit ng I Am Hope Organization ang pondong nalikom para tulungan ang mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Nagbigay rin sila ng donasyon na pagkain at personal protective equipment (PPE) sa frontline workers ng mga ospital at mga barangay.
Ang bilang ng beneficiaries ay 27 na ospital at 17 na barangay, na mga nagsitanggap ng donasyon mula sa I Am Hope Organization.
Sa Instagram account ng I am Hope ngayong Biyernes, May 1, nakasaad na nalikom nila ang donations in cash and in kind sa loob ng 30 araw.
Inilista nila ang lahat ng medical equipment at groceries na ipinamigay.
Karamihan sa nakatanggap ay mga ospital sa Metro Manila, pero may mga umabot din sa Pampanga at Leyte.
GENEROUS DONORS
Nagpasalamat naman sina Bea at Rina sa kanilang mga benefactors na maagap ang kontribusyon.
Sa pamamagitan ng statement na ipinadala nila sa Cabinet Files, ipinaparating ng I Am Hope Organization ang taos-pusong pasasalamat sa mga naging bahagi ng kanilang relief operation.
"We would like to express our deepest gratitude for all the support that we have been receiving from the generosity of our friends, donors, and brand partners.
"We are able to help the frontliners and communities since our launch.
"Our world is rapidly changing and we are proud of how we, Filipinos, are coping by helping each other, the true Filipino spirit of Bayanihan."
BAYANIHAN SPIRIT
Umaasa rin daw sina Rina, Bea, Tricia, Vhong, at May na patuloy ang bayanihan sa pagtulong para sa mga apektado ng krisis.
"Let us continue to pray for our frontliners and those people who are infected and heavily affected by this pandemic.
"Together, WE CAN overcome this! Let us continue to fight, and be HOPEful that we will all wake up to a new, and better world.
"Magdasal, at magtulungan po tayo. A simple act of kindness, nothing is ever small, it will go a long way, for the hungry and the dying.”