PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Governor Jonvic Remulla, desididong ipakulong ang mga nahuling nagsabong sa Cavite nitong Holy Week

Governor Jonvic Remulla: "Ngayon na panahon ng Covid, na may quarantine, na bawal ang sabong, ay ngayon ninyo pa ako susubukan."
by Jojo Gabinete
Published Apr 11, 2020
Cavite Governor Jonvic Remulla: "Ako po ay mahirap pakiusapan sa mga bagay na ito. Ngayon na panahon ng Covid, na may quarantine, na bawal ang sabong, ay ngayon ninyo pa ako susubukan."
PHOTO/S: Facebook

Merong isang tumutugis sa mga nagpasabong o nagpatupada sa mga sementeryo naman ng Cavite kahapon, Abril 10, Biyernes Santo.

Pinaiiral din ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang batas.

Hindi nangimi si Remulla na pasampahan ng kaso at ipakulong ang mga nahuling nagsasabong sa apat na bayan ng lalawigan ng Cavite.

Nagbitaw na ng salita si Remulla na hindi siya puwedeng pakiusapan ng mga dinakip na alipin ng bisyo.

Seryoso raw siya sa pagpapatupad ng mga ordinansang may kinalaman sa coronavirus pandemic.

"Ako po ay mahirap pakiusapan sa mga bagay na ito," babala ni Remulla sa kanyang Facebook post nitong Black Saturday, April 11.

"Ngayon na panahon ng Covid, na may quarantine, na bawal ang sabong, ay ngayon ninyo pa ako susubukan.

"I have given strict instructions that all caught in illegal gambling will be immediately put on inquest.

"Ibig sabihin, kulong na hanggang dumating ang hukom sa kanyang opisina.

"Kung swertihin baka gitna ng Mayo ay bago umpisahan ang hearing para sa bail.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pasensya na at nakapila kayo sa iba pang mga kaso."

Ito ang listahan ng gobernador ng mga residente ng bawat bayan sa Cavite na hindi sinunod ang social distancing rule at hindi pa iginalang ang kuwaresma sa mismong araw ng Biyernes Santo.

1. Trece Martires City

- 6 arrested

- 2 live fighting cocks, 2 dead -

2 pcs of gaff (tari)

- betting money of P1,300 as evidence

2. Maragondon -

6 arrested

- 3 live fighting cocks

- 2 pics of gaff (tari)

- P5,510 in betting money

3. Tagaytay

- 10 arrested

- 3 live fighting cocks

- 4 pieces of gaff (tari)

- P 800 betting money

4. Alfonso

- 4 arrested

- 2 live fighting cocks

- P1,250 betting money

Sa huli, iginiit ni Remulla na huwag nang subukan ng mga hinuling makipag-areglo dahil desidido siyang ipakulong ang mga lumabag sa batas.

"Huwag na po kayo lumapit kahit kanino pa man para sa areglo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa kulungan muna sila, kasama ang mga common criminal.

"100 to a room, 1 toilet, 50-square meters. Shifting ang pagtulog.

"Sana po maging silbing leksyon para sa lahat," paalaala ni Remulla sa kanyang mga kababayan sa Cavite.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cavite Governor Jonvic Remulla: "Ako po ay mahirap pakiusapan sa mga bagay na ito. Ngayon na panahon ng Covid, na may quarantine, na bawal ang sabong, ay ngayon ninyo pa ako susubukan."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results