Ang pumayag ang sexy star na si Ivana Alawi na magbida sa official music video nila ang pangarap ng mga miyembro ng Soulstice.
Ang Soulstice ang flash rap trio na nasa likod ng tagumpay ng kanilang breakout debut single na "Ivana."
"Sana makasama namin si Ivana sa music video," hiling ng Soulstice.
Ayon kay Paolo Mercado, founder ng Peso Productions na namamahala sa career ng Soulstice, ipinapadaan nila kay Boss Verb del Rosario ng Viva Records ang posibilidad na maimbitahan nila si Ivana bilang feature star sa official music video ng "Ivana."
Dedicated nina Mscript (Rome Lagarde), Rowmee G (Jerome De Leon), at Seth (Ronald Abasta) sa rising star ang "Ivana."
“Yung kanta po, puwede nating kantahin kahit kanino kasi puwede mong sabihin na 'Ivana' yung nararamdaman mo sa isang babae.
"Puwede siyang kantahin kahit hindi nila kilala si Ivana," paliwanag ng Soulstice tungkol sa kanilang monster hit song.
Ang "Ivana" ay nanguna sa Viral 50 Charts ng Spotify ilang linggo matapos i-release, at kasama rin ito sa Global Viral 50 Charts ng Spotify.
Mayroon na ito ngayong 9.2 million views sa YouTube Channel ng Peso Productions.
Big fan ni Ivana ang Soulstice, na masaya dahil nagkaroon sila ng oportunidad na makaharap ang social media star na hinahangaan nila.
"Masarap po sa feeling," sabi ng Soulstice nang makilala nila nang personal si Ivana.
"Nung ginagawa namin yung kanta, parang nasa harap namin siya.
"Nagpasalamat si Ivana sa amin dahil napakinggan daw niya ang kanta namin. Dun pa lang, thankful na kami.
"Siya po ang inspirasyon namin sa kanta.
"Kumbaga, idinikit naming yung ibang tao. Yun ang naisip namin na angle, iba na, then Ivana.
"Yun ang pinaka-angle na nasilip namin na alam namin na magiging catchy sa mga tao."
Postscript: Hindi lamang ang Soulstice ang talent ng Peso Productions.
Ito rin ang in charge sa singing career ng Allmo$t, ang grupong nagpasikat sa "Dalaga" na nakapagtala na ng 100 million streams.
Ang Allmo$t din ang kumanta ng equally compelling singles na "Bagay Tayo," "Miracle Night," "Dulo," at "Heart React."