PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bela Padilla at sikat na Korean TV star magkatambal sa pelikula

Di hadlang ang language barrier kapag nag-aasaran sina Bela Padilla at Kim Gun Woo.
by Jojo Gabinete
Published Feb 23, 2020
Ayon sa production staff ng Ultimate Oppa, malakas ang chemistry nina Bela Padilla at Kim Gun Woo. Tuwang-tuwa sila kapag nag-aasaran ang dalawa, kahit may language barrier.
PHOTO/S: @cuuuhryl instagram / @bela instagram

Malapit nang matapos ang shooting sa South Korea ng Ultimate Oppa, ang pelikula na pinagbibidahan ni Bela Padilla at ng Korean actor na si Kim Gun Woo.

Lumipad si Bela sa Seoul noong February 6, nagsimula ang shooting ng Ultimate Oppa noong February 10, at nakatakda siyang bumalik sa Pilipinas sa February 27 dahil kukunan sa bansa natin ang ibang mga eksena ng pelikula na joint production venture ng Viva Films, Reality Entertainment, at ng Korean outfit na Creative Leaders Group Eight.

Si Kim Gun Woo naman ang bibisita sa Pilipinas para sa remaining scenes nila ni Bela sa Ultimate Oppa.

Nag-aral si Kim Gun Woo ng American language para sa role niya at may kasama siyang interpreter sa set ng Ultimate Oppa para magkaintindihan sila ni Bela.

Isang araw lamang nag-shooting sa Seoul ang cast ng Ultimate Oppa dahil kinunan sa napakalamig na Yongpyong Ski Resort sa Gangwon-Do ang karamihan sa mga eksena nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa production staff ng Ultimate Oppa, malakas ang chemistry nina Bela at Kim Gun Woo. Tuwang-tuwa sila kapag nag-aasaran ang dalawa, kahit may language barrier.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Ultimate Oppa ang unang movie project ni Kim Gun Woo at television star ang kanyang kategorya sa South Korea dahil sa apat na television series na pinagbidahan niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa production staff ng Ultimate Oppa, malakas ang chemistry nina Bela Padilla at Kim Gun Woo. Tuwang-tuwa sila kapag nag-aasaran ang dalawa, kahit may language barrier.
PHOTO/S: @cuuuhryl instagram / @bela instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results