Nagdusa sa kamay ng isang male TV host ang comedian na nagdaos ng successful concert nitong nakaraang taon.
May ibang producer ang major concert ng comedian, pero pumasok sa eksena ang male TV host na nagprisintang siya na lamang ang magpo-produce ng show.
Pumayag ang comedian.
Natangay ang comedian sa matamis na pananalita ng male TV host, bukod sa magkakilala sila dahil parehong mga talent ng isang major TV network.
Walang kahirap-hirap ang male TV host dahil mahusay makisama ang mabait na comedian.
Naimbitahan pa ng comedian ang mga sikat na artistang kaibigan niya para mag-perform nang libre sa kanyang major concert.
Nang matapos ang show, biglang lumipad sa ibang bansa ang male TV host.
Nabayaran niya ang lahat ng mga involved sa concert, maliban sa comedian na hinintay pa ang kanyang pagbabalik sa Pilipinas.
Nang singilin ng comedian ang talent fee niya, sinabihan siya ng male TV host na magkita sila sa isang lugar.
Kawawa ang naging sitwasyon ng comedian dahil limang oras siyang pinaghintay ng male TV host sa kanilang meeting place gayo't sisingilin na lamang niya ang perang pinaghirapan at napagtrabahuan na niya.
Nang tawagan ng comedian sa cellphone ang male TV host, ito pa ang may ganang magsabing hindi pa naman tapos ang gabi kaya maghintay pa siya.
Unti-unti nang naglalabasan ang mga kuwento tungkol sa male TV host na ito, na nanloloko ng kapwa artista dahil sa kagustuhang kumita ng malaking halaga ng pera.
Hindi lamang ang comedian ang biktima ng male TV host dahil niloko rin nito sa pera ang isang popular actress na hindi nagpatalo sa kanya.
Nagbanta ang popular actress na ibubulgar ang masasamang gawain ng male TV host, na natakot kaya ibinalik agad ang perang kinupit niya.
Moral of the story: Mag-ingat sa mga taong matatamis ang pananalita, nagpapanggap na madasalin, at mahilig mag-name drop ng mga pangalan ng mga sikat na artista at pulitiko para makahingi ng pabor at makapangloko ng kapwa.