Isang lalaking may koneksiyon sa showbiz at sa pulitika ang karelasyon ng rising actress na may sexy image.
Inililihim ng dalawa ang kanilang pagmamahalan dahil baka makaapekto ito sa acting career ng aktres, na hinuhulaang may magandang kinabukasan sa entertainment industry.
Hindi makatutulong sa flourishing career ng aktres ang katotohanang may asawa at mga anak ang powerful boyfriend niya kaya kailangang itago ang kanilang relasyon.
Former actress din ang asawa ng powerful boyfriend at matagal nang usap-usapan na hiwalay na sila, pero walang kumpirmasyon o pagtanggi mula sa magkabilang-panig.
Kilala sa pagiging “chickboy” at daring ang powerful boyfriend dahil lantad ang love affair niya noon sa isang dating beauty queen, kahit alam ng publiko na may pamilya na siya.
Hindi rin nagtagal ang relasyon ng ex-beauty queen at ng makapangyarihang lalaki, na “secret boyfriend” ng fast-rising actress.
Balak i-build up ng isang major TV network ang fast-rising actress.