PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tambalan nina Bela Padilla at JC Santos, may hatak na talaga sa takilya

On Vodka, Beers and Regrets, certified hit sa unang araw nito.
by Jojo Gabinete
Published Feb 5, 2020
Ikinagulat nina JC Santos at Bela Padilla na may Part 2 ang pelikula nilang 100 Tula Para Kay Stella. Ngayong Miyerkules, February 5, nagbukas sa mga sinehan ang bago nilang pelikulang On Vodka, Beers and Regrets.
PHOTO/S: Viva Films

Pinatunayan nina Bela Padilla at JC Santos na may supporters na talaga ang kanilang love team dahil certified hit ang On Vodka, Beers and Regrets, ang pelikula nilang nagbukas ngayong araw, February 5.

Sa kabila ng pagkakaroon ng coronavirus scare, pinilahan sa mga sinehan ang fourth movie nina Bela at JC.

Patunay itong may solid and strong following ang tandem nila mula nang magsama sila sa 100 Tula Para kay Stella noong 2017, The Day After Valentine’s (August 2018), at Miracle in Cell No. 7 (December 2019).

Maligayang-maligaya sina Bela at JC dahil pinagbigyan ng publiko ang kanilang hiling na suportahan ang On Vodka, Beers and Regrets.

Apela ni JC noong premiere ng pelikula: "Sana panoorin pa rin, mag-mask na lang kayo habang nanonood.

"Sana suportahan pa rin ang pelikula namin.

"Maganda pa rin yung pelikula so, for me, bigyan natin ng chance.

"Nandoon ako sa prevention is better than cure, mas maganda na gawin nating maging healthy, mag-mask tayo o mag-vitamins.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kailangan na maging healthy kayong lahat."

Ang sequel ng 100 Tula Para Kay Stella ang susunod na movie project nina Bela at JC.

Interesting ang kuwento ni JC, na noong Lunes lamang nalaman na magkakaroon ng Part 2 ang unang movie team-up nila ni Bela.

"Nakita ko lang, parang kahapon lang. Masaya ako, at least may trabaho ako.

"'Ano kayang kuwento? Papaano kaya yung pain nito?'

"Wala akong sure na pakiramdam.

"Posible talagang gawan ng sequel dahil hindi sila nagkatuluyan.

"Ewan ko kung paano ang gagawin ni Direk Jason [Paul Laxamana] dahil hindi naman kami namatay,” reaksiyon ni JC tungkol sa binabalak na sequel ng 100 Tula Para Kay Stella.

Ikinagulat din ni Bela ang balitang may Part 2 ang unang pelikula ng on-screen love team nila ni JC dahil ang buong akala niya, biruan lamang ang lahat.

"Akala ko, joke, 'tapos nagulat ako sa presscon ng Viva, biglang ipinakita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tingnan po muna natin kung ano ang story kasi wala pa silang sinasabi sa akin," pahayag ni Bela.

Nakiusap ang aktres na putulin muna ang interview dahil ihing-ihi na raw siya at kailangan na niyang pumunta sa restroom, na nakapagpatawa naman sa mga naroroon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ikinagulat nina JC Santos at Bela Padilla na may Part 2 ang pelikula nilang 100 Tula Para Kay Stella. Ngayong Miyerkules, February 5, nagbukas sa mga sinehan ang bago nilang pelikulang On Vodka, Beers and Regrets.
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results