Apektado ng novel coronavirus scare ang local movie industry dahil nangangamba ang karamihang pumunta sa mga mall at mga sinehan.
May isang local movie ngang ipinagpaliban ang playdate habang nangingibabaw sa moviegoing public ang takot sa novel coronavirus.
Pero tuloy na tuloy bukas, February 5, ang pagpapalabas sa mga sinehan ng On Vodka, Beers and Regrets, ang pelikula ng Viva Films na pinagbibidahan nina Bela Padilla at JC Santos.
Updated si Bela tungkol sa iba’t ibang pagtanggap ng mga Pilipino tungkol sa novel coronavirus scare.
Para sa aktres, mas mahalagang malaman ng lahat ang mga dapat gawin.
Rason ni Bela, "We have to live.
"Honestly, ako, kakanood ko lang ng sine kagabi, ng movie, at punumpuno yung sinehan.
"Ako naman po, kapag may nangyayaring calamity, unang-una, kailangan nating malaman kung ano dapat nating gawin, but you have to live.
"We don’t stop.
"Katulad kami, nung pumutok yung [Taal Volcano] ashfall, nagsu-shooting kami, hindi kami na-pack up.
"Noong kumalat yung balita na may confirmed case na ng coronavirus, nasa shooting din kami, hindi rin kami na-pack up.
"So, tuloy naman yung buhay.
"Ako lang po, while we live our lives, just be extra cautious, katulad naming lahat.
"Siyempre, we try to stay healthy.
"Honestly, kami, every day nagsu-shoot, nagtatrabaho.
"Hindi nga ako makabili ng facemask kasi sold out, which is very sad ‘coz it should be readily available.
"But at the same time, you cannot hide in your house.
"I mean, you have to keep living your life for your friends, for your family, for yourself," pahayag ni Bela.
Isang alcoholic actress na nawalan ng showbiz career dahil sa kanyang bisyo ang role ni Bela sa On Vodka, Beers and Regrets.
Nangyari at nangyayari pa rin sa tunay na buhay sa local movie industry ang kuwento ng bagong pelikula ng direktor na si Irene Villamor, dahil marami na ang mga aktor at aktres na nawalan ng career nang malulong sila sa pag-inom ng alak.