PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sikat na sports personality, hiwalay na sa ina ng kanyang mga anak?

Sports personality at partner, hiwalay na pero panay pa rin ang post ng happy moments nila sa Instagram.
by Jojo Gabinete
Published Jan 28, 2020
pep blind item couple
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Tikom ang bibig ng isang sikat na sports personality tungkol sa balitang hiwalay na sila ng ina ng mga anak niya.

Pero pinatotohanan ng mga malalapit na kaibigan nila ang balita.

Ang wala sa lugar na pagseselos ng babae sa fans ng sports personality ang isa sa mga itinuturong dahilan kaya humantong sa hiwalayan ang pagsasama nila.

Reportedly, wala pa sa plano ng dalawa na aminin sa publiko na tapos na ang kanilang relasyon, alang-alang sa kapakanan ng mga anak nila.

Nalilito naman ang fans ng popular sports personality dahil sa mga litrato ng kanilang pamilya na ipinu-post nito sa kanyang social media accounts,.

Base sa mga larawang ito, masaya sila at tila walang problema na pinagdaraanan ang relasyon nila.

Sa tuwing tinatanong ang sports personality kung hiwalay na sila ng ina ng kanyang mga anak, hindi siya sumasagot.

Dahil dito, lalong tumindi ang mga hinalang totoo ang isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results