PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gloria Romero, balik-taping sa Daig Kayo Ng Lola Ko sa mismong tahanan niya

Gloria Romero, balik-trabaho matapos ang mahigit four-month leave of absence sa Daig Kayo Ng Lola Ko.
by Jojo Gabinete
Published Dec 31, 2019
Gloria Romero, balik-trabaho matapos ang mahigit four-month leave of absence sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

Natuloy kahapon, December 30, ang unang araw ng taping ni Gloria Romero para sa mga eksena niya sa Daig Kayo ng Lola Ko, ang Sunday drama-fantasy anthology ng GMA-7.

Ito ay matapos ang mahigit apat na buwang pamamahinga dahil sinumpong ng vertigo ang 86-year-old movie icon at veteran actress.

Natuwa ang production staff ng show nang makita nilang malakas na si Gloria at ganadung-ganadong magtrabaho.

Maligayang-maligaya si Gloria sa muling pagharap nito sa mga kamera dahil na-miss niya nang husto ang pag-arte, ang programa, at ang production staff ng Daig Kayo ng Lola Ko.

Kahit nang payuhan siya ng kanyang doktor na magpahinga, walang na-miss si Gloria na episodes ng Daig Kayo ng Lola Ko dahil pinanonood niya ito tuwing Linggo.

Si Nova Villa ang pansamantalang pumalit sa kanya habang nagpapalakas siya.

Ikinatuwa ni Gloria ang paulit-ulit na television plug ng GMA-7 tungkol sa nalalapit na pagbabalik ni Lola Goreng, ang sikat sa mga bata na karakter niya sa Daig Kayo ng Lola Ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-appreciate din ng veteran actress ang desisyong gawin ang taping ng kanyang mga eksena sa bahay niya sa New Manila, Quezon City para hindi siya masyadong mapagod.

Tanda rin ito ng pagpapakita ng pagpapahalaga ng GMA 7 management sa movie queen na itinuturing na isa sa mga national treasure ng Pilipinas.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gloria Romero, balik-trabaho matapos ang mahigit four-month leave of absence sa Daig Kayo Ng Lola Ko.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results