PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Detalye ng burol at cremation ni Mico Palanca, inilabas na ng kanyang pamilya

Mico Palanca, ihahatid sa kanyang huling hantungan sa December 13.
by Jojo Gabinete
Published Dec 11, 2019
Magsisimula ngayong December 11 ang lamay para sa yumaong aktor na si Mico Palanca sa Arlington Memorial Chapels, G. Araneta Avenue, Quezon City.
PHOTO/S: Facebook

Nakatakda sa Friday the 13th ng December 2019 ang cremation sa mga labi ni Mico Palanca.

Pumanaw ang 41-year old actor noong December 8, 2019.

Nagsimula ngayong Miyerkules, December 11, mula 1:30 ng hapon hanggang alas-dose ng hatinggabi, ang lamay para kay Mico sa Faith Room ng Arlington Memorial Chapels sa G. Araneta Avenue, Quezon City.

Mula alas-onse naman ng umaga hanggang 12 midnight ang oras ng lamay bukas, December 12.

9 A.M. ang Banal na Misa sa December 13, Biyernes, bago maganap ang cremation sa bangkay ni Mico.

Marami ang nabigla sa biglang paglisan ni Mico, pero nahinto ang mga haka-haka tungkol sa kanyang pagpanaw bilang respeto sa kahilingan ng naulilang pamilya niya na igalang ang panahon ng kanilang pagluluksa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magsisimula ngayong December 11 ang lamay para sa yumaong aktor na si Mico Palanca sa Arlington Memorial Chapels, G. Araneta Avenue, Quezon City.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results