Hindi inaasahan ang biglang pagluha ng comedienne na si Divine Aucina nang makausap siya ng Cabinet Files sa presscon ng Madrasta na nangyari ngayong hapon, September 30, sa 17th floor ng GMA Network Center.
“Do you find yourself beautiful?” ang isa sa mga tanong ng Cabinet Files kay Divine na naging dahilan para mapaluha siya.
Sagot ng Kapuso comedienne, “Of course, I find myself beautiful in every aspect.
"And people may see, I think, beauty is naaayon sa standard ng ibang tao.
“For example, I can be very beautiful… ang perception ng tao sa Pilipinas.. iba ang perception sa Pilipinas sa perception ng ibang bansa.
"So, therefore, ano talaga yung concrete na standard ng beauty?
"Kaya naniniwala ako na yung physical beauty is very different from the inner beauty.
"And ako, I feel beautiful. I feel very beautiful talaga.
"Parang last time po, naisip ko lang, may mga bilbil ako, ang haba ng baba ko…I mean, underbite ako, may mga linya yung leeg ko.
"Iniisip ko yung mga flaws, at bago ko pa maisip matapos lahat ng flaws ko, naisip ko... hindi e.
"Parang, sino pa ba ang magmamahal sa sarili mo kundi ikaw lang?
"The love for self starts sa sarili mo.
"And that’s why when you asked me if I feel beautiful, I feel beautiful .
"Kasi if my brain tells me, if my mouth speaks I’m beautiful, the brain responds, the heart responds, the body responds."
Naging emosyunal si Divine dahil personal daw sa kanya ang isyu tungkol sa kagandahan.
"Hala, naiiyak ako, oh my God, kasi this is a personal issue.
"Ako, whoever you are... naiiyak ako, para akong shunga, oh my God!"
Pagpapatuloy niya, “Whoever you are, you’re beautiful. Very, very beautiful.
"You have to think of the best things about you.
“You have to think na ang ganda ng buhok mo, walang split ends. Ang ganda ng pilik-mata mo...
"And pag iisip-isipin mo siya, pagdugtung-dugtungin mo lahat ng magagandang bagay sa 'yo, ang sarap ng mahal ang sarili.
“Alam ko, magdadaan ka sa proseso.
"Alam ko na... malamang na hindi pa ngayon, pero dadaan ka sa proseso hanggang you fully love yourself."
Bakit ka naiyak?
Paliwanag ni Divine, "Kasi, this is a very personal issue. This is what everyone struggles with.
"Kapag sinabihan mo ako, kunwari sasabihan mo yung tao, ‘Uy, ang ganda mo today!' Ang reaction ng tao, ‘Para kang ano, hindi naman.’
"Ibig sabihin nung tao, hindi niya talaga love din yung sarili niya."
Ngayon lang ba may nagtanong sa iyo if you find yourself beautiful?
“Meron naman, pero sa 'yo lang yung tumatak.
"Yung parang tumahimik yung buong mundo nung tinanong mo ako ng 'Do you find yourself beautiful?'
"'Tapos yung pagtatanong mo, alam ko na yung sagot because I love myself.
"I love myself. Sino pa ba ang magmamahal sa akin kundi ako lang."
May pagkakataon bang pinagdudahan mo ang sarili mo?
Sagot ni Divine, "Dumaan din po ako sa bullying nung bata because parang nag-dental malpractice, so I had to go through that phase.
"'Tapos kinonvert ko yun through arts, finding my own talent, studying hard in school, more aral, 'tapos extra-curricular activities kaya iba rin ang struggle ko noon."