PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Judy Ann Santos, sinabi kung sino ang peg sa kontrabida role niya sa Starla

Mga anak ni Judy Ann Santos, hindi naniniwalang artista siya.
by Jojo Gabinete
Published Sep 28, 2019
Judy Ann Santos on doing a teleserye after five years: "Naalaala ko, first taping day, wala akong take one. Take four, five, six... kasi it’s either nakakalimutan ko yung linya ko or bibitaw ako sa eksena kasi hindi ko pa siya na-grasp."
PHOTO/S: Noel Orsal

Ibang Judy Ann Santos ang mapapanood sa Starla dahil siya mismo ang nagsabing isang taong masama o ruthless lawyer ang karakter na ginagampanan niya sa bagong primetime inspirational drama series ng ABS-CBN na mapapanood simula sa October 7, 2019.

Para may idea ang televiewers sa role ni Judy Ann sa Starla, ang diabolical editor character ni Miranda Priestly, na buong husay na ginampanan ni Meryl Streep sa 2006 hit movie na The Devil Wears Prada, ang naging peg niya.

"I have to watch it all over again, yung lakad, yung tindig, yung postura, yung taas-noo, paano magsalita,” kuwento ni Judy Ann tungkol sa pag-aaral niya sa karakter ni Meryll sa The Devil Wears Prada.

"Pinakamahirap dito yung sa abogado kasi napaka-kritikal ng dialogues nila.

"Kung tama ba yung English mo, unang-una. Pangalawa, dapat tama yung legal terms na ginagamit sa eksena.

"So, dun ako lalo pinaka-nahirapan lalo na sa first taping day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I was really struggling kasi I haven’t done a teleserye for five years, so bagung-bago siya para sa akin.

"Naalaala ko, first taping day, wala akong take one.

"Take four, five, six... kasi it’s either nakakalimutan ko yung linya ko or bibitaw ako sa eksena kasi hindi ko pa siya na-grasp.

“Actually, noong fourth or fifth taping day na, dun ko pa lang nakukuha yung pagiging kontrabida.

"Hindi pala siya madali pero masaya siyang gawin," sabi ni Judy Ann sa mga challenge na naranasan nia sa unang pagkakataon ng pagganap niyang "kontrabida" sa Starla.

JUDY ANN SANTOS... THE TV HOST

May funny anecdote din si Judy Ann tungkol sa kanyang mga anak na nagulat nang malaman nilang artista ang kanilang ina.

For the longest time, TV host ang pagkakakilala kay Judy Ann ng mga anak nila ni Ryan Agoncillo.

"Hindi alam ng mga anak ko na artista ako. Ang alam nila, host ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagugulat sila kapag nakikita nila, 'tapos sinabi namin na artista ako bago naging host, hindi sila naniniwala.

"So, sa palagay ko, sa Starla, maniniwala silang artista ako."

Patuloy niya, "And I really wanted to have a teleserye na hindi naman masyadong bugbugan sa drama, yung mas feel ko na inspirational.

"Nakaka-happy lang na panoorin, ito yung nagbabalik ng hope sa mga tao kasi napapanahon talaga siya.

"Nasa estado na ako ngayon na gagawin ko kung ano yung gusto kong gawin.

"Medyo mataray pakinggan, but I guess, thirty-plus years in the industry, I’ve given a lot of my time already para mag-isip na it’s about time I choose the projects that I want to make, and make it a point na it’s inspirational and mapapanood ng mga anak ko para ma-proud naman sila sa akin," pahayag ni Judy Ann.

May mga maling akala na si Judy Ann ang gumaganap na Starla, pero ang child actress na si Jana Agoncillo si Starla, ang wayward wishing star na nagnanais bumalik sa star world.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Co-stars nina Judy Ann at Jana sa Starla sina Raymart Santiago, ang child actor na si Enzo Pelojero, Joel Torre, Meryl Soriano, Joem Bascon, at may special participation sina Tirso Cruz III at Charo Santos.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Judy Ann Santos on doing a teleserye after five years: "Naalaala ko, first taping day, wala akong take one. Take four, five, six... kasi it’s either nakakalimutan ko yung linya ko or bibitaw ako sa eksena kasi hindi ko pa siya na-grasp."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results