PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ruru Madrid, aminadong niligawan noon lahat ng magandang artista

Ruru Madrid, inilahad kung paano niya binago ang sarili.
by Jojo Gabinete
Published Sep 27, 2019
Ruru Madrid on improving himself: "Pinilit kong baguhin ang sarili ko... And then, eventually, ang tumatak sa utak ko noon, yung mga niligawan ko na ‘yan, 'Balang-araw, magiging TOTGA [the one that got away] niyo ako.' Yun ang naging mindset ko."
PHOTO/S: Ruru Madrid Instagram

Isang lalaking wala nang maalaala ang role ni Ruru Madrid sa Cara X Jagger ng APT Entertainment, Inc.

Sa tunay na buhay, may mga karanasan siyang ayaw nang alalahanin tulad noong nag-uumpisa ang kanyang showbiz career.

Kuwento ni Ruru, "Noong mga panahon na nag-Protégé ako, or before I started showbiz, ayoko nang maalaala yun.

"Kasi, every time na naaalaala ko yun, parang bumabalik ako sa moment na sobrang hirap na hirap ako, na parang walang naniniwala sa akin.

“Yun ang time na parang napakaraming nagda-doubt, maraming walang bilib.

"So, sabi ko, ayoko na siyang alalahanin, at yung hitsura ko pa noon...

"Pero na-realize ko, bakit ko siya kakalimutan?

“Bakit ko kakalimutan ang mga bagay, e, yun ang moments sa life ko na tumulong sa akin para maging ako, kung sino ako right now."

Patuloy ng Kapuso actor, “During that time, I’m very vocal about it, lahat nang makita kong magandang artista, nililigawan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ganoon po ako kalala, lahat nang makita kong maganda, liligawan ko.

“Sasabihin ko talaga, 'Type kita, puwede ba kitang ligawan o ide-date kita.'

"Pero walang sumasagot sa akin, kahit sinong makatrabaho ko.

"For sure, alam nilang lahat yun."

THE ONE THAT GOT AWAY?

Dahil sa mga naranasang rejection, ikinuwento ni Ruru ang pagharap niya sa salamin para tingnan ang mga mali sa kanyang pagkatao.

“And then, sabi ko, may mali sa akin.

"So, tumingin ako sa salamin... nangyari po talaga ito.

"Naghanap ako ng mali, lahat mali.

"I mean, kung paano ako manamit, kung ano ang hitsura ko, yung katawan ko.

“I was so thin, 118 pounds lang ako, so binago ko.

"Pinilit kong baguhin ang sarili ko, like, nag-workout ako.

"Yung pananamit ko, nanonood ako ng mga YouTube videos para maging confident.

"Nagbabasa ako ng books na makakatulong sa akin to build my confidence.

"Yun ang ginawa ko.

"And then, eventually, ang tumatak sa utak ko noon, yung mga niligawan ko na ‘yan, 'Balang-araw, magiging TOTGA [the one that got away] niyo ako.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yun ang naging mindset ko.

"Pero kahit sabihin nating sobrang simple lang ng mindset na yun, nakatulong siya for me.

"Right now, happy na ako kung anong meron ako ngayon, and hinding-hindi ko nakakalimutan ang mga bagay na yun.”

Nang i-reinvent mo ang sarili mo, ano ang sabi ng mga dati mong inililigawan?

“Well, meron pong iba na, hindi po ako nagyayabang, pero, ‘Sayang, sana tayo na lang dati pa.' May mga ganyan. Hahaha!

“Ako, laging kong sinasabi ito, kapag may mga nami-meet ako na mga bagong artista na nakikita ko yung sarili ko sa kanila, kung paano ako nag-start, tinuturuan ko sila kung paano pumorma or paano lumapit sa babae, paano mag-approach.

“Lahat itinuturo ko sa kanila, maging passionate sa trabahong ito.”

Kung lalaking walang maalaala ang karakter ni Ruru sa Cara X Jagger, isang babaeng walang nais na makalimutan ang role ni Jasmine Curtis-Smith, ang leading lady niya sa pelikula na magbubukas sa mga sinehan sa November 6, 2019.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid on improving himself: "Pinilit kong baguhin ang sarili ko... And then, eventually, ang tumatak sa utak ko noon, yung mga niligawan ko na ‘yan, 'Balang-araw, magiging TOTGA [the one that got away] niyo ako.' Yun ang naging mindset ko."
PHOTO/S: Ruru Madrid Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results