PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rich Asuncion at Benj Mudie, nagsampa ng large-scale estafa laban sa isang tao

Published Jan 26, 2018

GORGY RULA: Nagsampa ng kasong large-scale estafa si Rich Asuncion at ang fiancé niyang si Benj Mudie laban sa isang taong nagbenta sa kanila ng isang condo unit na hindi naman pala nito pag-aari.

Hindi na muna binanggit ni Rich ang pangalan ng taong inireklamo nila, dahil nasa korte na ang kaso at apat na pangalan daw ang gamit nito, at nagpapanggap pa raw itong abugado.

Kuwento ng Kapuso actress, nakipag-transact via online ang mommy ni Ben na nakabase sa Australia sa taong ito na nagbebenta sa kanya ng isang condo unit.

Sina Rich at Ben na raw ang nakipag-usap dito at nakapagbigay na sila ng 400,000 pesos.

Pagkatapos nun ay hindi na raw sumasagot ng tawag at hindi na nakikipagkita sa kanila ang taong ito.

Hanggang sa nalaman nilang apat silang binentahan ng condo unit na hindi naman pala talaga pag-aari ng taong ito.

Natatakot si Rich dahil tingin niya, bahagi ng isang malaking sindikato ang taong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nung kinasuhan daw kasi nila ito, kasama ng ibang nabentahan din, nahuli na raw ang suspek pero nakalabas din.

Sabi ni Rich, pinalabas daw for further investigation.

May threat pa raw na natatanggap ang isa sa nagkaso mula sa taong ito, kaya natatakot na rin si Rich at baka kung ano ang gawin sa kanila ni Benj.

Sabi ni Rich,“Hindi na kami lumalabas. Sa bahay na lang kami.

"Kung kailangan lumabas, sa basement na lang ako nagpapasundo sa Uber."

Pero ngayon ay hinihintay na lang daw nila ang desisyon ng korte at umaasa silang mahuhuli na ang taong ito.

Sinabihan daw si Rich ni Ben na huwag silang matakot at lumabas sila kung gusto nila. Pero nag-iingat pa rin daw sila ngayon.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA: Sa panahon ng TRAIN at nagtu-tour ang Bulkang Mayon, hindi birong halaga ang P400K.

Eh, di ba, ang condo unit na iyan ang titirhan sana nila pagkatapos nilang pakasal?

Huwag sanang mabulilyaso ang kanilang wedding plans dahil sa pangyayaring ito.

Ang alam namin eh simple at intimate ang plano nilang kasal sa ibang bansa.

NOEL FERRER: Mahirap kapag usaping pera talaga.

Paano ngayon ito at, seemingly, pera nilang dalawa ang itinakbo ng sabi’y manlolokong may-ari raw ng condo.

Pero hindi pa rin maituturing ito na conjugal funds, di ba, dahil hindi pa naman kasal at mag-asawa sina Rich at Ben?

Oh well, kung marami namang darating na opportunities, lalo na kay Rich, madali naman niyang kitain ang halagang ito.

Naisip ko tuloy ang endorsement ni Rich na bumongga nang sumali siya ng Binibining Pilipjnas.

Akala ng marami na magtutuluy-tuloy siya pagpupursigi ng pangarap niyang maging beauty queen, pero hindi na niya ito itinuloy.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Abangan na lang natin kung paano malalagpasan ni Rich at ng kanyang fiancé ang pagsubok na ito—habang pinaghahandaan nila ang kanilang napipintong kasal.

Kailan nga ba ito? Secret din ba ito?

Read Next
Read More Stories About
Rich Asuncion, benj mudie
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results