JERRY OLEA: Nag-alburoto ang netizens nang parangalan si Mocha Uson ng UST Alumni Association.
Pinayuhan ni Karen Davila si Mocha na sorpresahin ang bashers & haters at isauli ang pagkilala.
Umalma noong una si Mocha, ngunit napahinuhod din.
Pero hindi kumalma ang usapin dahil sa parunggit ni Mocha na kesa okrayin siya eh pagtuunan sana ng pansin ang eruption ng bulkang Mayon sa Naga.
Pasabog!
ERAPtion ang peg.
“With all due respect, we can’t change geography. That is all,” tweet ni Lea Salonga.
Nag-sorry si Mocha sa pagkakamali niya, pero bumugalwak sa socmed ang memes kaugnay rito.
Mas mainit pa sa lava ang pag-agos ng mga hanash.

Nagtayo ng branch ang Mayon sa Naga?

Tweets ni Mayong Bulkan:
“Sige na... ako na ang mag-a-adjust.”
“Pati Cagsawa ruins, inilipat na rin para full package na...”

“Ayan na, inangkin na kami ng China.”

May pa-survey pa si Mayong Bulkan: #MayonTour
“Saan ninyo po ako gustong pumunta?”
Ang pinagpipilian — Davao City, Naga City, at Metro Manila.
Siyempre pa, may mga nagtatanggol din kay Mocha.
May mga umaapela, “Let us not make a mountain out of a molehill.”
Idiom vs Idiom!
NOON: Faith can move mountains.
NGAYON: Mocha can move volcanoes.
GORGY RULA: Ang dami na ngang nakisawsaw dito kay Mocha Uson.
Nasa Twitter naman ni Jim Paredes na ang sabi niya kanina: “It’s just one or the other. Either Mocha is so powerful she can move mountains, or Mayon can bi-locate.”
Pero tila hindi naman natitinag si Mocha.
Sabi nga niya, “Sa mga gustong pabagsakin tayo, pasensiya na po dahil hinding-hindi mangyayari 'yan.
"Dahil kahit upak-upakan ninyo ako ay babangon at babangon ako at magpapatuloy.
"Kahit yurakan niyo na ang pagkatao ko at ipa-trending pa sa Twitter."
May ginamit pa nga siyang salita ng Diyos at may hinango pa siyang Bible verse.
Kaya lang, tanong ko lang, saan pa ba siya niyuyurakan at anong pagbagsak ang ginawa sa kanya?
Eh, base sa performance niya bilang assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office, bagsak na siya.
Sana magpahinga na muna si Mocha, at mag-aral nang mag-aral, dahil matapang naman siya, eh. Masipag pa, at hindi naman daw siya maku-corrupt.
Kulang na lang ang tamang kaalaman sa responsibilidad na ipinagkatiwala sa kanya.
NOEL FERRER: Ka-MOCHA-mo si Paraluman, noong siya ay bata pa. At ang galing galing mong sumayaw, mapa boogie man o chacha...
Alam niyo bang magkakaroon ng audition para sa isang musical based on the Eraserheads music?
Pero ang hindi sinasabi ay karamihan (if not all the lead parts) ay meron nang nakatokang gaganap. Bale ba’y mga ensemble at chorus roles na lang ang open.
Parang kailangan na may truth in advertising sa call for auditions na ito para hindi misleading, di ba?
Mas interesting naman yatang pag-usapan ito kaysa ang isyu kay Mocha! Yun na!