GORGY RULA: Diretsahang itinanggi ng Hashtag member na si Ryle Santiago na siya ang nasa litratong nakahubad na kitang-kita ang naghuhumindig niyang pagkalalaki.
Sabi ng 19-year-old na anak ni Sherilyn Reyes, hindi siya ang tipong nakikipag-sex chat. Wala naman daw siyang mapapala dun.
“Mas gusto ko pa rin siyempre yung personal na. Papagurin ko lang ang kamay ko?” nakangiting pahayag ni Ryle.
Kaya kung anuman daw yung kumalat na ‘dickfie’ na sinasabing kay Ryle, huwag daw magpapaniwala.
Never pa raw niyang nagawang makipag-sex chat kahit kanino.
Hindi naman nakaapekto sa image ni Ryle ang ganung intriga.

Sa katunayan nga ay kinuha pa siyang brand ambassador ng Megasoft Hygienic Products, Inc. para i-endorse ang isang produkto nilang Cherub Baby Care Products.
Sabi ng VP for Marketing ng Megasoft na si Ms. Aileen Choi-Go, isa sa tinitingnan nila sa isang celebrity ay ang magandang reputasyon nito sa publiko at nag-aaral o nakapagtapos ng pag-aaral.
Nalaman nilang full scholar pala si Ryle ng Meridian International College sa kursong Bachelor of Arts in Film.
Dito naman proud ang ina niyang si Sherilyn Reyes dahil matalino raw talaga ang anak at napakabait daw sa kanila pati sa mga kapatid.
“Matalino siya talaga. Malalim na tao rin,” pakli ni Sherilyn.
Si Junjun Santiago na kapatid nina Raymart, Randy, at Rowell Santiago ang ama ni Ryle. Pero aminado ang Kapamilya young actor na mas close siya sa asawa ni Sherilyn na si Chris Tan.
JERRY OLEA: Bumubongga na ang career ni Hashtag Ryle.
Kapatid siya ni Ana (Julia Montes) sa teleseryeng Asintado.
Isa siya sa mga bida sa indie movie na Bakwit Boys.
Siyempre, kasama siya sa Megasoft School Is Tour na nasa ikatlong taon na.
Aba! Hindi siya katulad ng ibang artista na nagpabaya sa pag-aaral.
Full scholar si Hashtag Ryle ngayong sem.
Freshman siya sa kursong AB in Film sa Meridian International College.
Di ba, Ate Rosa G?
NOEL FERRER: What’s good about Ryle is that, aside from keeping his priorities straight at meron siyang ever supportive na pamilya at authority figures, maayos niyang naitawid ang relasyon niya sa kanyang extended families.
Again, naniniwala ako na hindi ka fully mabi-bless kasi if you don’t honor your elders, especially your parents. ‘Yan ang isa sa sukatan natin ng pagiging mabuti ng isang tao.
More blessings for Ryle at sa iba pang mabubuting anak!