PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gandarrapido ni Vice Ganda, official topgrosser sa MMFF 2017

Published Jan 17, 2018

JERRY OLEA: Ang Top 4 ng MMFF 2017 ay Gandarrapido: The Revenger Squad (Vice Ganda, Daniel Padilla, & Pia Wurtzbach), Ang Panday (Coco Martin), Siargao (Jericho Rosales & Erich Gonzales), at Haunted Forest (Jane Oineza & Jameson Blake).

Kinumpirma ito ng MMFF 2017 Executive Committee sa Appreciation Dinner ng filmfest ngayong Wednesday, January 17, sa Sampaguita Gardens, Valencia St., QC.

Mahigit P1B ang kinita ng walong official entries ng 43rd Metro Manila Film Festival.

Ang kulelat sa filmfest ay umabot sa P30M.

Hindi binanggit ng komite kung magkano ang kinita ng bawat produksiyon, pero binigyan nila ng authorization ang film companies na ihayag ang kani-kanyang box-office gross.

First time sa kasaysayan ng MMFF na palabas pa rin ang official entries kahit nasa ika-apat na linggo na.

First time din na lahat ng kalahok ay may grado (tax rebate) mula sa CEB (Cinema Evaluation Board).

At first time ding ang mga mahihina sa first & day, matapos tanggalin ay ibinalik sa mga sinehan!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


GORGY RULA: Tama nga yata ang unang lumabas na umabot ng P540M ang kinita ng Gandarrapido.

Kaya kalahati talaga ang ibinahagi ng pelikula nina Vice Ganda, Daniel Padilla, at Pia Wurztbach sa mahigit isang bilyong kinita ng MMFF ngayong taon.

Kaya asahan na natin sa MMFF 2018 na mas maraming pambata at napaka-commercial na pelikulang isasali sa naturang filmfest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi nga ng isang producer, kahit sabihin pa nila na panget, basura ang pelikula ni Vice, eh, iyun daw ang gusto ng mga tao, eh.

Kaya tipong ganun na rin daw ang susunod na ipu-produce nila.

Sabi naman ng isa sa mga staff ng theater owners, umulit daw ng panonood ang ilang nanood ng Gandarrapido dahil hindi raw nila maintindihan ang kuwento.

Anyway, napagkasunduan na rin naman daw ng producers na huwag nang ilabas ang ranking ng remaining 4 entries dahil halos magkakadikit lang ang kinita ng bawat pelikula.

Ang mahalaga, masaya silang lahat sa kinalabasan ng MMFF 2017.

NOEL FERRER: Maganda ang naging pagtitipon dahil sa dulo ng isang masalimuot na taon, nagsama-sama ang lahat ng stakeholders ng industriya (indie man o mainstream na nabuwag naman na ang pagkakataong ito) at masaya ang lahat sa naging outcome ng MMFF.

Inaanyayahan na ang lahat na maghanda na sa susunod na edisyon ng MMFF.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA: Nagtapos ang MMFF 2017 sa masaganang hapunan habang may musikang humahaplos sa diwa at masayang nagtsitsikahan ang mga tao.

Hindi sa Kongreso (Honor Thy Father, MMFF 2015).

Hindi sa Senado (Oro, MMFF 2016).

Nagtapos ito sa makasaysayang Sampaguita Gardens!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results