JERRY OLEA: Nalungkot si Mother Lily Monteverde (matriarch ng Regal Films) sa pagpanaw ng fashion designer na si Pitoy Moreno.
Si Pitoy ang gumawa ng wedding gown ni Mother Lily, na isinuot niya noong Abril 16, 1961.
“Purita Mirasol” (as in poor) pa noon si Mother Lily, kaya nakiusap siya kay Pitoy kung puwedeng “one year to pay” ang bayad niya.
Pumayag si Pitoy.
P1,500 ang ibinayad ni Mother sa buong entourage.
“Napakabait ni Pitoy!” sabi ni Mother.
“I love you, Pitoy! I will pray for you!”

GORGY RULA: Isa rin sa nalungkot sa pagpanaw ni Pitoy Moreno ay ang manunulat & TV host na si Butch Francisco.
Pero marami siyang nakakatuwang kuwento sa kilalang fashion czar at National Artist.
Kuwento ni Butch, isa sa unang kilalang celebrity na binihisan ni Pitoy ay si Celia Diaz-Laurel, at naging close din daw kay Celia Rodriguez.
Kuwento pa raw ni Bessie Padilla, na isa rin sa mga models noon ni Pitoy, kapag may fashion show sila sa iba't ibang bansa, pinaglalaruan nila ang pangalan ni Pitoy.
Kapag nasa Paris sila, Pitoà raw ang tawag nila.
Sa Italy naman, Pitrè.
Sa Russia, Pitroshka.
Pagbalik daw nila ng Maynila, nag-dialogue daw ang Pitoy: "O ano? Ano ngayon ang tawag niyo dito sa akin, Pitimini?!"
NOEL FERRER: Nauna pa kay Pitoy, sumakabilang buhay naman kahapon ng 11:41 a.m., January 14, ang aktor na si Spanky Manikan, at age 75, dahil sa lung cancer.
Nakikala si Spanky sa pagganap niya sa mga pelikulang Himala, Maynila Sa Kuko Ng Liwanag, Broken Marriage, Bona, among many others.
Siya ang partner ng aktres na si Susan Africa.
Most recently, the veteran actor was part of the cast of the television series My Love from the Star, Alyas Robin Hood, and FPJ‘s Ang Probinsyano.
Siya rin ang partner ni Susan Africa.
Ipinagdarasal natin pareho ang mga naiwan na mahal sa buhay ng dalawang committed Pinoy artists na sina Pitoy Moreno at Spanky Manikan.