NOEL FERRER: Bago pa man ang dadaluhan naming Boracay wedding ceremony/ritual nina Maxene Magalona (anak ng Master Rapper Francis Magalona kay Pia Arroyo-Magalona) at Rob Mananquil (anak ng Phil Star Lifestyle Editor Millet Martinez-Mananquil at Rob Mananquil) ngayong araw, January 11, ay nauna na ang church wedding nila sa Sanctuario sa Forbes Park sa Makati noong Lunes, January 8.
Kabilang sa Principal Sponsors sina Ben Chan, Virgie Ramos, Richard at Lucy Torres-Gomez, Michael V at ang asawa nitong si Carol, Keren Pascual, Malou Choa-Fagar, Gary Valenciano, Dr. Aivee Teo, Ruby Coyuito, at Mr. T (Antonio Tuviera) na siyang tanging ninong na hindi raw nakarating sa church wedding.
Best Men sina Jay Michael Martinez, Pietro Gohu, at Danilo Ferrer.
Matron of honor naman si Saab Magalona-Bacarro.
Groomsmen sina Ira Cruz, Matthew Warren, at Leandro Mayor; habang Bridesmaids naman sina Cristina Bermont Garcia, Sarah Lazaro, Janna Isabel Tee, Lauren at Megan Young.
Junior Bridesmaid ang aming inaanak na si Clara Magalona.
Secondary Sponsors sina Elmo Magalona at Alexandra Reyes (candles), Nicolo Fernando at Una Fernando Lu (veil), at Frank Magalona at Julia Montes (cord).
Ring at coin bearers ang mga pamangkin ni Maxx na sina Gavin Isaac at Jacob Adam Fernando-Lu, samantalang Bible bearer naman ang kapatid si Arkin Magalona.
Flower girls ang mga pamangkin nina Rob at Maxx na sina Zole Youliana, Amelie Lourdes Fernando Lu at Celestia Gabrielle, at Audra Alessandra Mananquil Trillo.
Nasa White House kami nina Martin Jickain at asawa niyang si Maggie Tirol-Jickain, habang ang iba’y nasa Shangri-La at iba’t ibang parte ng isla.
Kagabi, January 10, ginanap ang welcome Coachella-themed dinner.
Doble ang selebrasyon at effort ng mga taong dadalo rito sa Bora.
Nandito na rin sina Janella Salvador na kasama ni Elmo Magalona, at si Jay-R at si Mica Javier.
GORGY RULA: Nakakatuwa na umabot sa kasalan ang kanilang relasyon.
Nung napabalitang sila na, may mga ilang kuwento kaming narinig tungkol kay Robby na dumaan sa pagsubok, kaya pinagbakasyon daw muna ito sa Amerika.
Pagbalik, doon na pumasok si Maxene sa buhay niya.
Malaki ang nagawa ni Maxene kaya tuluyan nang nakapag-move on si Robby.
Right timing lang talaga, pati na rin kay Maxene na pagkatapos niyang dumaan sa ilang relasyon, sila pala ni Robby ang meant to beh!
Itutuloy pa rin kaya ni Maxene ang pag-aartista niya ngayong Mrs. Mananquil na siya?
Sana mai-share din niya sa atin kung ano ang plano nila after the wedding.
JERRY OLEA: Bongga ang bonding noon nina Mr. & Mrs. Mananquil sa Coachella Valley Music and Arts Festival sa Empire Polo Club ng Indio, California.
Fab ang kanilang mga OOTD.
Celebration din ng music & fashion ang kanilang nalalapit na panunumpa sa mahiwagang isla ng Boracay.
Best wishes, Robby & Maxene!
Nawa’y panghabambuhay ang bigkis ng inyong pag-ibig!