JERRY OLEA: Maganda ang vibes ng celebrity psychic/spirit questor na si Nick Nangit kina Anne Curtis & Erwan Heussaff, Ai-Ai delas Alas & Gerald Sibayan, at Tim Yap & Javi Martinez Pardo na pawang ikinasal last year.
Pero may nakita siyang di kaaya-aya sa pagsasama nina Dra. Vicki Belo & Dr. Hayden Kho Jr.

Ani Nick, “Kasi, it’s actually Dra. Vicki Belo who’s carrying the relationship.
And Hayden kasi is... is ano, e... ahh...
“Di ko masabi kung... May affection naman siya. OK... Gusto naman niya talaga si Dr. Vicki Belo.
“Ahhmm... pero ang nagdadala talaga sa relationship nila is Vicki Belo, e.
“And Hayden is there, supportive of Vicki Belo’s plans. And Vicki Belo naman is supportive also of Dr. Hayden.
“Kaya lang, medyo si Hayden kasi, restricted na, e, sa lahat ng mga actions niya.
“Maybe because he doesn’t want na... Ayaw niyang magkaroon sila ng conflict ni Dr. Vicki Belo.
“But of course, when it comes to love, meron naman ‘yon between the two of them.”
Ayon pa sa Truth Cards ni Nick, smooth sailing at mas matibay ang pagsasama nina Vic Sotto & Pauleen Luna ngayong may anak na sila.

May negatrons naman sa relasyon nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.
Lahad ni Nick, “Si John Lloyd kasi is torn, kung babalik siya o hindi sa showbiz.
“Kasi, he wants to settle down, e. Gusto na niyang magkaroon ng family.
“Kaya lang, parang... magulo pa kasi, e. May vice siya... may mga vice siya sa katawan.
“So, ready na ba siya?
“Parang nag-iisip pa siya kung handa na ba siyang talikuran ang showbiz o hindi?
“So, puwede siyang bumalik. Pero mangyayari lang ‘yan kung lumabas na ang anak nila, e.
“Doon pa lang masasagot yung tanong.
“Si Ellen naman, ahh... gusto talaga niyang magkaroon ng anak, e. At sana lang, yung nangyari sa kanila ni John Lloyd e, magtuluy-tuloy.
“Kasi, nangyari ‘yan nitong Year of the Fire Rooster, di ba? And anything sa Fire Rooster, e, forever ‘yan.
“Pero hindi ibig sabihin, e, wala na silang gagawin sa isa’t isa. Kailangan, commitment talaga.
“So, si Ellen talaga should be committed din.”

Sabi pa ni Nick, good vibes din ang commitment nina Toni Gonzaga & Direk Paul Soriano sa kabila ng mga pagsubok, ganoon din ang power couple na sina Liza Diño & Aiza Seguerra.
Maski itanong n’yo pa sa buwan.
GORGY RULA: Kahit nung ikinasal sina Drs. Belo at Kho, marami na ang humuhulang hindi sila magtatagal, kahit gaano pa kagarbo ang kanilang kasal sa Paris.
Kaya naman si Dr. Belo talaga dapat ang magdadala ng pagsasama nila ni Dr. Hayden. Malaking challenge ito sa kanilang relasyon.
Iyon ang pagkakaiba sa nakikita kong relasyon nina Ai-Ai at Gerald. Mukhang alalayan silang dalawa, at hindi yung naka-rely lang lahat kay Ai-Ai.
Nakikita ko namang may effort din si Gerald na mapanatiling may init at lalong tumibay ang kanilang relasyon.

NOEL FERRER: Interesting predictions, pero mas excited ako sa mga scheduled ikasal ngayong taon na sisimulan nina Maxene Magalona at Robbie Mananquil this January!
Sana magtagal naman ang mga ikinasal na taga-showbiz para ma-inspire pa ang mas marami sa mga seryosong relasyon, at hindi yung mga naglalaro lamang.
JERRY OLEA: Buwenas ang full moon sa unang dalawang gabi ng 2018.
“It’s a very good time to cleanse ourselves,” sambit ni Nick Nangit, na isa ring practicing lawyer.
“Kasi nga, ang full moon, na super moon at the same time, wolf moon ang tawag doon. So, lobo.
“Sa American Indians, ito ang time na maganda para alisin, putulin na ang mga kaugnayan sa masasamang nangyari sa nakalipas.
“Iyong mga taong nanakit sa ‘yo, pabayaan mo na. Tutal naman, may karma.
“Babalik sa kanila yung mga pinaggagawa nila. Wala namang nakakaligtas diyan sa karma.
“At kailangan, i-embrace nila yung positivity ng taong ito. Kaya magandang mag-salt bath sila?”
Paano iyon?
“Sa salt bath, maganda iyong simpleng asin lang. Rock salt. Yung sa palengke nabibili. Murang-mura lang ‘yon.
“Kung medyo may kaya-kaya, o sige, mag-epsom salt kayo, o pink Himalayan salt. Pwede rin ‘yon.
“Ang gagawin n’yo lang, kung maliligo kayo, siyempre magsasabon. Tapos, tatanggalin n’yo yung sabon.
“Di wala nang sabon sa katawan n’yo... Sa tabo o kaya sa timba, maglagay kayo ng asin. Isang kutsara o kutsarita. Tapos, i-dissolve ninyo.
“Tunawin ninyo. CLOCKWISE, ha? Yung pakanan. Kung paano umikot ang relo.
“Hindi yung ganun-ganun, hindi rin pakaliwa. Kailangan, positive energy.
“Clockwise. Kahit kaliwete ka, kailangan clockwise.
“Kasi, kailangang sundan natin ang pag-ikot ng planeta natin, sa pag-ikot sa axis natin. So, clockwise.
“And then, pag tunaw na tunaw na, ibuhos mo mula ulo hanggang paa. Ibuhos mo lang.
“Kailangan, dissolved na. Kundi, may asin-asin ka sa buhok mo. Huwag ka nang magbanlaw after?”
Puwede bang samahan iyon ng tarragon leaves?
“Pwede, pwede,” mabilis na pakli ni Nick.
“Mas maganda kung lalagyan ninyo ng tarragon leaves. Yun lang tabo, ilagay n’yo lang doon.
“Iyong ibang tarragon leaves, puwede ninyong gawing tsaa. Inumin. Pero yung tarragon, ibuhos n’yo lang.
“Or kung may bathtub kayo, doon kayo, may mga tarragon leaves. Kasi, nagki-cleanse talaga ‘yan sa katawan.”
Epektibo ang salt bath kung bilog ang buwan.
“Kaya i-grab n’yo na ang opportunity ngayong full moon,” pahayag pa ni Nick.
“The next full moon will be on January 31. Maganda ring mag-cleanse kung new moon.
“Sa Chinese New Year, it is very good na gawin n’yo ‘yon. Before the Chinese New Year.”