PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Morissette Amon thanks Regine Velasquez for defending her against bashers

Morissette Amon focuses on learning and improving herself instead of focusing on bashers.
by Melba R. Llanera
Published Mar 1, 2019 | Updated Mar 1, 2019
Despite being hurt by negative comments, Morissette Amon says she focuses on learning and improving herself instead of focusing on bashers. "I don't stay on that feeling. It's to move forward and keep growing lang din as an artist and to improve myself pa."
PHOTO/S: Allan Sancon

Nagpasalamat ang singer na si Morissette Amon kay Regine Velasquez dahil sa ginawa nitong pagtatanggol sa kanya.

Hindi napigilang sagutin ni Regine ang ilan sa kanyang mga tagahanga na nagsabing hindi karapat-dapat si Morissette mag-revive ng kanta ng Asia's Songbird, ang "Pangarap Ko ang Ibigin Ka," matapos mag-duet ng dalawang singers sa ASAP Natin 'To.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Morissette, "Sobra akong grateful ako kay Miss Reg, dinefend niya ako sa issue na yun.

"And, actually, nag-text pa siya after ko na mabasa yung mga tweets niya.

"Nag-sorry siya sa akin. Parang, 'Bakit po kayo ang nagso-sorry?' It was beyond our control.

"And I'm happy kasi kahit ang layo na ng narating niya, ang dami niyang na-achieve, she has remained humble and patuloy siyang nagsu-support sa aming mga artists."

Dagdag pa niya, "I think she took a stand on cyber bullying na, yun nga, nasabi niya na 'Pinapahiya ninyo ako' sa mga fans niya.

"I'm sure, hindi naman lahat ng fans niya ay ganun, may mga ganung fans lang talaga na masyadong possessive.

"You can't please everybody. Pero I'm happy na kami ni Miss Reg, we're okay."

Aminado si Morissette na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya sa mga negatibong komento patungkol sa kanya.

"Oo, lagi akong nahe-hurt pa rin, but instinct ko... I don't stay on that feeling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It's to move forward and keep growing lang din as an artist and to improve myself pa."

May mensahe rin ang nakababatang singer sa fans ng Asia's Songbird:

"Sa mga fans ni Miss Reg, thank you so much.

"Isa lang ako sa napakadaming fans at nagmamahal sa ating Asia's Songbird. Sana love lang lahat.

"Ang pinaka-goal lang naman natin ay i-raise natin ang OPM and to support each other."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Morissette noong Miyerkules, February 27, sa Ninoy Aquino International Airport bago siya tumulak pa-Amerika for a series of singing engagements.

STORIES WE ARE TRACKING

NEW AUDIENCE

Ikinatataba ng puso ni Morissette ang pasasalamat sa kanya ni Regine at ng asawa nitong si Ogie Alcasid, na siyang composer ng "Pangarap Ko ang Ibigin Ka," dahil nabigyan niya ng bagong buhay ang kanta at makikilala na ito lalo na ng millennials.

Aniya, "Like I've said din po sa ASAP, I'm very, very happy, kasi siyempre ako, nag-i-start lang din ako na nagko-cover din.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"'Pangarap Ko Ang Ibigan Ka' has been one of my favorite OPM songs, and nagkataon lang na nagustuhan ng ibang tao yung rendition ko, na ginagaya nila yung rendition ko, and gumagawa rin sila ng sarili nilang version.

"Like I also said in ASAP, I always want to credit the original na si Miss Reg, and composer si Sir Ogie.

"Kanila talaga yung kanta na yun, parang gift ko na lang as thank you din sa kanila."

Masayang-masaya rin si Morissette sa pagiging vocal ng Asia's Songbird na saludo ito sa husay niya bilang singer.

"Nakakakilig, siyempre Miss Reg yun. Tayong lahat mahal natin si Miss Reg."

Nakaka-touch din daw malaman na gusto at sinusuportahan siya ni Regine bilang artist at tao.

GANDANG GABI VICE GUESTING

Samantala, naging trending at viral din sa social media ang guest appearance ni Morissette sa Gandang Gabi Vice, kung saan isa sa challenges na ipinagawa sa kanya ay pinakanta habang nakadapa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami na nga ang gumagaya ngayon kay Morissette at ang iba nga ay hinahamon pa siya.

Ayon sa Kapamilya singer, "Nakakatuwa, may nakita nga ako... hindi siya 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka,' version ko naman ng 'On The Wings Of Love.' Parang binabato siya kung saan-saan.

"Sobrang nakakatuwa!

"Pero ako, nung moment na yun, nag-enjoy ako and game naman ako sa mga hamon ni Ate Vice.

"I'm happy na nakapagbigay saya din ako sa ating mga kababayan."

Dagdag pa ni Morissette, "Ako rin mismo, mauulit ko pa ba yun, kasi grabe ang mga pinaggagawa ko.

"Pero ang saya. Madami din akong na-discover sa sarili ko, kaya ko rin pala."

Kahit sunod-sunod ang ginagawang trabaho, thankful si Morissette sa mga taong patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa kanya.

"I'm very, very thankful, kasi siyempre di rin naging madali ang lahat ng pinagdaanan namin to be able to be here.

"Pero I am very happy na patuloy na nagsu-support yung family ko, yung fans ko, and of course yung management ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Lahat ng nagga-guide and have been there from the very start.

"I owe so much of who I am ngayon sa kanila."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Despite being hurt by negative comments, Morissette Amon says she focuses on learning and improving herself instead of focusing on bashers. "I don't stay on that feeling. It's to move forward and keep growing lang din as an artist and to improve myself pa."
PHOTO/S: Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results