Pinuri ni Jinkee Pacquiao ang asawang si Manny Pacquiao pagkatapos manalo ng senador sa laban nila ng American boxer na si Adrien Broner.
Ginanap ang laban nina Pacquiao at Broner sa MGM Grand Arena, Las Vegas, Nevada, nitong Linggo ng umaga, January 20 (Sabado ng gabi, January 19, Las Vegas time).
Sa isang Instagram post ni Jinkee pagkatapos ng laban ni Manny, proud na proud niyang binati ang asawa:
"A great night and a great fight! God is sooooo good! I love you babe"
View this post on InstagramA great night and a great fight! God is sooooo good! ???????????????????? I love you babe!
Nag-post din si Jinkee ng isang sweet photo, kung saan hinalikan niya sa labi si Manny.
View this post on InstagramA great night and a great fight! God is sooooo good! ???????????????????? I love you babe!
Naging puspusan ang training at preparasyon ni Manny upang depensahan ang kanyang World Boxing Association (WBA) welterweight title.
Nagbunga naman ang paghihirap ng Pambansang Kamao nang payukuin niya si Broner sa kanilang 12-round fight.
Solid naman ang suporta ng fans ng Pinoy boxer sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ilang Pinoy celebrities rin ang nagpahayag ng kanilang suporta kay Manny sa pamamagitan ng social media.
Kabilang sa mga bumati kay Manny ay sina Lovi Poe, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Diego Loyzaga, at Ruffa Gutierrez.