Pinagkatuwaan ng netizens at maging ilang celebrities ang birthday greeting ni Luis Manzano para sa kaibigang si Alex Gonzaga, na nagdiwang ng ika-31 kaarawan kahapon, January 16.
Mukha kasing tarpaulin para sa isang yumao ang hitsura ng photoshopped greeting ni Luis sa kaibigan.
Nakasulat dito: “It is with great joy we announce the 31st birthday of Alex Gonzaga.
"Her family and friends wish to thank everyone for their love and support during this special day."
Sa comments section ay binuweltahan ni Alex si Luis: “Para kong namatay hayop ka!!!!!!”
Tugon naman dito ni Luis, “@cathygonzaga- my bday nga nakalagay diba??? Diba???”
Pero sa huli ay pinasalamatan ni Alex ang matalik na kaibigan na madalas mang-asar sa kanya.
