Itinanggi ng Miss Earth sponsor na si Amado Cruz ang mga akusasyong sexual harassment laban sa kanya ng ilang kandidata ng Philippine-organized international pageant.
Sa ulat ng TV Patrol kagabi, November 9, na lumabas din sa ABS-CBN News Online, pinabulaanan niya ang mga akusasyon nina Miss Earth Canada Jaime VandenBerg, Miss Earth England Abbey-Anne Gyles-Brown, at Miss Earth Guam Emma Mae Sheedy.
Ayon pa sa ulat, gusto niyang tumulong sa pageant upang ma-promote ang tourism sa bansa, kung saan isa sa mga sponsorship niya ay ang dinner para sa mga kandidata na idinaos sa Manila Yacht Club.
Dagdag pa niya, hindi raw niya maintindihan kung bakit ang pagso-sponsor ng nasabing event ay binibigyan ng malisya.
Itinanggi rin niyang hinihingi niya ang mga cellphone number ng mga kandidata, na siyang akusasyon sa kanya ni Miss Earth Canada.
Matatandaang sinabi ni VandenBerg sa kanyang Instagram post noong Miyerkules, November 7, na ikinainis niya ang pagtawag ng sponsor sa kanyang cellphone at ang pagtanong nito ng kanyang room number.
Bahagi ng kanyang post, "The second day of the pageant I felt uncomfortable because a sponsor from the first night was given my phone number, without my consent, and was calling me asking for my hotel and room number.
"I gave my phone to a team manager so that she could resolve the issue, but it did not work"
Ayon pa kay Amado Cruz, wala ring katotohanan ang akusasyong humingi ito ng “sexual favors,” bagay na paratang nina Miss Earth England at Miss Earth Guam.
Sabi ni Miss Earth Guam Emma Mae Sheedy sa Instagram post nito noong November 8, "The hospitality of the Filipinos is not found anywhere else. The Philippines is like a second home to me.
“I enjoyed a majority of the pageant, but what I did not know, is that a specific sponsor from the Manila Yacht Club would change the way I see pageantry and sponsors.
“The sponsor who’s name is Amado S. Cruz became a problem for many of the delegates, including myself."
Sa hiwalay na post, ikinuwento naman ni Miss Earth England Abbey-Anne Gyles-Brown na sinusuportahan niya ang mga pahayag ni Miss Earth Canada.
Bahagi ng kanyang Instagram post noong Miyerkules, November 7, "There was no respect or compassion shown to myself or Jaimie.
"I felt traumatised by this experience and had many sleepless nights. I was not sure who had my personal details including my mob number and hotel room.”
Pinasalamatan naman ni Amado Cruz si Miss Earth Cuba Monica Aguilar dahil pinabulaanan nito ang akusasyon ng kapwa niya mga kandidata laban sa kanya.
Ayon pa sa post ni Aguilar noong Huwebes, November 8, "I have been seeing posts being made of candidates bashing the Miss Earth Organization, and it's time to put a stop to it!!
“I have read the ‘testimonies’ of several candidates complaining about supposed sexual harassment.
“I can confirm there was no sexual harassment happening in any shape or form.”
Kinakausap na raw ni Cruz ngayon ang kanyang abugado upang gumawa ng legal na hakbang laban sa mga paratang sa kanya.
Samantala, “forever banned” na si Cruz sa Miss Earth pageant.
Sa panayam naman ng State of the Nation ng GMA News TV kagabi November 9, ipinagtanggol si Cruz ng nagpakilalang staff niya.
Ayon sa nagpakilalang si Jhana Bueno, sa tagal na raw na pag-sponsor ni Cruz sa Miss Earth, wala pa raw insidenteng may nagreklamo sa kanyang amo.
Sabi niya, “Hindi magagawa ng amo ko yan, e.
"Alam mo kung bakit?
"Si sir ay napakatanda na at mahina na rin, una sa lahat.
“Kung nagawa man niya yun sana noon pa nung nagsimulang magkaroon ng Miss Earth dito.”
Viral naman ngayon sa Twitter ang post ng isang netizen kung saan laman nito ang mga larawan diumano ni Amado Cruz.
— Prince Puaso (@ohyeahprince) November 8, 2018
