Maraming netizens ang natutuwa sa malaking pagbabago ng dating kontrobersyal na aktor na si Baron Geisler.
Bukod kasi sa pag-focus niya sa kanyang spiritual life ay naging advocate at role model din siya para sa mga kabataan.
Makikita sa kanyang mga social media posts kung paano naging testimonial ni Baron ang kanyang pagbabago para ma-inspire ang mga kabataan na talikuran ang mga hindi magagandang bisyo, at para na rin makatulong sa suicide prevention.
Dahil dito, patuloy siyang binibiyayaan ng grasya, kasama na ang bago niyang negosyong Gents Barber, isang high-end barber shop, na itinayo niya sa tulong ng kanyang kaibigang negosyante.
Magbubukas ito sa November 13 sa 2nd floor ng Gaisano Country Mall Banilad in Cebu.
Heto ang pinost ni Baron sa kanyang Instagram account noong nakaraang November 3:
Maganda ang naging comments sa post na ito ni Baron.
Mukhang tuluy-tuloy na nga ang pagbabago ni Baron dahil sa pagiging active Christian niya.
Sa Instagram post niya noong nakaraang November 9, makikitang nagsasalita si Baron sa harap ng maraming estudyante ng Digos City National High School at nagpapatotoo sa mga pagbabago na nangyari sa buhay niya.
Isa siya sa naging key speakers para sa Suicide Prevention Symposium.
Heto ang post ng aktor:
Tila wala pang balak na bumalik sa pagtrabaho sa TV o pelikula si Baron dahil mukhang nag-e-enjoy ito sa buhay niya ngayon sa labas ng showbiz.
