Parang normal na lamang sa araw-araw na pamumuhay ni John Lloyd Cruz ang mamataan ng netizens sa mga pampublikong lugar.
Halatang ini-enjoy ng aktor ang simpleng buhay matapos nitong iwan ang showbiz limelight.
Nitong mga nakaraang buwan, namataan siyang bumibili ng prutas para sa partner na si Ellen Adarna, kumakain ng balut sa kalye, nagpapagupit sa barberya sa halagang PHP40, at sumakay ng jeep.
Nito namang nakaraang Linggo, October 21, lumabas sa Instagram fanpage nina John Lloyd at Ellen ang larawan ng aktor na tila naghihintay na maluto ang kanyang binibiling turon sa isang vendor.
Kahit medyo nakatalikod si John Lloyd, nakasuot ng puting T-shirt, nakilala pa rin siya kaagad ng netizens dahil sa kanyang porma.
Ikinatuwa naman ng mga netizens ang larawang ito ng aktor.
