Proud na ipinakilala ni Sam Pinto sa kanyang mga followers sa Instagram ang kanyang bagong boyfriend na si Anthony Semerad.
Ipinost ni Sam ang larawan nila ng basketball player noong nakaraang Huwebes, October 18, kung saan sinabi niya sa caption na, “And so the adventure begins with this one.”
Sinamahan ito ng businesswoman-actress ng heart emoji.
Sa kabilang banda, nag-post din ang TNT KaTropa player ng larawan nila ng girlfriend noong Huwebes din.
Sabi niya sa caption, “It’s very rare to meet someone who is basically the exact same person as you. There is never bad vibes, jealousy or competitive ego’s between us, we’re just two people chasing dreams that want the best for each other @sampinto_.”
Nauna na ritong nag-post si Anthony ng mga larawan nila ni Sam, ngunit hindi pa niya sinasabi kung sila na nga ba.
Ang huling napabalitang boyfriend ni Sam ay si Misagh Bahadoran, ang Filipino-Persian player ng Azkals noong 2016.
