Nag-share ng kanyang pregnancy woes sa kanyang Instagram account ang celebrity radio DJ na si Nicole Hyala.
Inamin ni Nicole (na Emmylou Gaite-Tiñana ang tunay na pangalan) na nakakaramdam siya ng hirap sa kanyang pagbubuntis sa kanyang ikalawang anak, na ayon sa kanya ay isang baby boy.
May isang anak na sila ng kanyang asawang si Renly Tiñana, si Princess, na pitong taong gulang.
Ayon kay Nicole, ang pagbubuntis niya raw ngayon ay isang “heck of a ride.”
Pero kahit may mga pregnancy woes si Nicole, nagagawa pa rin niyang magpasaya at magtawa sa magkakasunod na IG posts niya suot ang iba't ibang outfits.
Heto ang IG post ni Nicole noong nakaraang October 4:
Para naman sa kanyang ika-5000 post ay naglakip siya ng photo na kanyang eldest daughter na si Princess, kasama ng kanyang touching dedication.
