Isa si David Licauco sa naghayag ng kanyang kasiyahan sa pag-grant ng korte ng annulment of marriage kay Sunshine Cruz at sa dati nitong mister na si Cesar Montano.
Magkasama sina David at Sunshine sa pangtanghaling serye ng GMA-7 na Kapag Nahati Ang Puso pati na sa kuwadra ng talent management na pag-aari ni Arnold Vegafria.
Kuwento ng 22-year-old Kapuso actor, "Nakita ko nga sa post ni Tito Arnold.
"I'm happy for her, kasi siyempre ang tagal na niyang nagdudusa dun, di ba?
"At least… I'm happy for her, and ang problema kasi sa Philippines, ang hirap magpa-annul...
"Unlike sa States, divorce, divorce...
"Sana next time may divorce na [sa bansa]."
Matatandaang nitong nakaraang September 18 lamang naigawad ang petition for annulment ni Sunshine pagkatapos ng halos apat na taong pagdinig nito sa korte.
Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si David sa pagbisita nito sa PEP.ph office nitong nakaraang September 20.
INDECENT PROPOSALS
Isa si David sa mga artistang may magandang pangangatawan sa ngayon.
Kumportable ba talaga siyang magpa-sexy sa kanyang mga billboards?
Tugon nito, "Honestly, hindi masyado, kasi conservative yung family ko.
"But then Bench naman yun and andun na yun, so in-embrace ko na lang siya.
"And work siya, e.
"Not everyone got a chance to do it, so why would I waste the opportunity when everybody actually wants to be part of it?"
Dahil dito, nakatanggap din daw siya ng ilang indecent proposals ngunit hindi daw niya ito pinapansin.
Lahad niya, "Actually, when I was still starting out pa lang, mas marami.
"Siguro kasi yung isip nila mas makukuha nila ako.
"But then hindi naman ako ganun kasi.
"Okay naman ang upbringing ko, yung family ko may kaya naman.
"Maraming nagmi-message sa akin sa Instagram, wala naman now.
"Although sometime may mga nagbibigay ng number ko kung kani-kanino, na minsan nagti-text na... alam mo yun, 'Saan mo naman nakuha yung number ko?'"
