Isang maiksi ngunit sweet na mensahe ang ibinahagi ni Barbie Imperial sa Instagram para sa napapabalitang karelasyon nito ngayon na si JM de Guzman.
Sina Barbie at JM ang mga bida sa ABS-CBN afternoon drama series na Araw Gabi.
Ipinagdiwang ng aktor ang kanyang ika-30 kaarawan noong Linggo, September 9.
Nag-post si Barbie ng larawan ni JM na natutulog katabi ng isang malaking teddy bear.
Mensahe ng 20-year-old actress sa caption, "Salamat dumating ka sa buhay ko.
"Maligayang kaarawan sayo, Juan Miguel"
View this post on InstagramSalamat dumating ka sa buhay ko. Maligayang kaarawan sayo, Juan Miguel :)
Tumugon naman si JM dito sa pamamagitan ng emoticons.
Noong July ay umugong ang balitang hiwalayan sa pagitan ni Barbie at Paul Salas dahil sa ipinost na mga larawan ng baguhang aktres kung saan may mga pasa ito sa dibdib at braso.
Kasunod nito, umugong ang usap-usapang nagkakamabutihan na sina Barbie at JM.
