Hindi nagpaapekto si Rhian Ramos sa isang troll na ikinumpara ang katawan ng aktres sa "straight cut" na pantalon.
Noong Lunes, July 9, nag-post sa Instagram ang 27-anyos na aktres ng kanyang larawan na kuha sa The Eddy Awards.
Sa comments section, isang basher ang nagsabing “straight” o walang curves ang katawan ng aktres.
Sagot dito ni Rhian, “God gave me what he gave me. And I can either have ribs removed or just be me.”

Umani naman ng suporta si Rhian sa netizens sa magandang sagot niya sa basher.


