PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai delas Alas admits "tampuhan" with talent Ex Battalion

Ai-Ai delas Alas: 'Siyempre naman, sa isang pamilya naman, hindi puwedeng hindi nawawalan ng problema.'
by Arniel C. Serato
Published Jul 2, 2018
Aminado ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas na nagkakatampuhan sila ng mga alaga niyang grupong Ex Battalion. Pero naaayos daw naman kaagad kung mayroon man silang hindi pagkakaunawaan.

Umamin si Ai-Ai delas Alas na nagkatampuhan sila ng alaga niyang grupong Ex Battalion.

Sabi ng Comedy Queen, “E, nakakatawa nga yun, di nila alam [na nag-post ako sa Instagram]… ‘Ma, hindi mo kami tinag. Hindi tuloy namin alam.'”

Ang tinutukoy ni Ai-Ai ay ang post niya sa Instagram noong June 2 kung saan sinabi niyang magli-leave of absence muna siya bilang manager ng grupo sa loob ng isang buwan.

Ngunit makalipas ang ilang oras ay binura rin niya ang kanyang post.

STORIES WE ARE TRACKING

Dagdag pang kuwento ni Ai-Ai, biniro raw niya ang Ex Battalion na ipinasulat niya sa media ang kanyang saloobin para malaman nilang masama ang loob niya sa kanila.

Sabi raw sa kanya ng mga alaga, "'Ba't di mo kami tinag, hindi tuloy namin alam.'"

Tugon daw niya, “'Tse, ewan ko sa inyo.’”

Sa ngayon, naayos na raw ang hindi nila pagkakaunawaan.

Sabi ni Ai-Ai, “Okay na kami. Siyempre naman, sa isang pamilya naman, hindi puwedeng hindi nawawalan ng problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"E, puro boys yun, puro lalaki yun, nakupo!"

Sabi pa ni Ai-Ai, nanay ang turing sa kanya ng mga alaga.

“Nanay, oo. Humanda sila, nanay nila ako.

"'Mama, ganito, ganyan.' Puro ganyan, naku, 'nyeta. Minsan may punyeta pa."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai sa grand presscon ng The Clash noong June 28.

STORIES WE ARE TRACKING

“HINDI KONTROLADO.” Nagpahayag naman ang Comedy Queen ng kanyang kalungkutan na hindi na matutuloy si Shanti Dope na mag-guest sa first anniversary concert ng Ex Battalion sa July 14.

Saad niya, “E, ganun talaga, e. Minsan hindi natin kontrolado kung ano yung mga mangyayari.

“Maybe hindi siguro siya para doon sa show namin.

“Malay mo sa ibang show maging guest pa rin namin siya.

“Ganun talaga. Minsan hindi mo ma-control yung situation, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aminado ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas na nagkakatampuhan sila ng mga alaga niyang grupong Ex Battalion. Pero naaayos daw naman kaagad kung mayroon man silang hindi pagkakaunawaan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results