Nakatanggap ng Father’s Day greeting si Claudine Barretto mula sa panganay na anak niyang si Sabina.
Ipinost ng aktres ang greeting sa kanya ng anak sa Instagram ngayong Lunes, June 18.
Ang greeting ay screenshot ng Instagram Story ni Sabina.
Pagbati ng anak ni Claudine: “Happy Father’s Day to my MOM! Well, my mom is my mom and my dad HAHAHA.”
Pinasalamatan din ni Sabina ang ina “for being there for Quia, Santino and I. We Love you.”
Sa caption ng post ni Claudine ay nagbigay siya ng mensahe para kay Sabina.
“Thank you so so much Anak. Your love is more than anything I can ever ask for.
"Thank u Anak for being a Perfect Daughter and Saint and A PERFECT SON. And our not so little Quia."

Kapansin-pansing hindi nag-post ng Father's Day greeting si Sabina para sa amang si Raymart Santiago.
Nitong March ay nag-post ang anak nina Claudine at Raymart sa Instagram Story ng hinaing dahil sa diumano'y relasyon ng aktor sa isang non-showbiz girl.
