In a relationship na ba ang Kapamilya stars na sina Loisa Andalio, 18, at Ronnie Alonte, 21?
Noong Miyerkules, May 30, isang nakakakilig na post ang ibinahagi ni Ronnie sa kanyang Instagram.
Caption ng Hashtags member sa kanyang post: “Ang akin habang buhay na.”
Nagkomento naman dito si Loisa.
Sabi ng dalaga, “Na-panis ang I love you.”

Kahapon, May 31, si Loisa naman ang nagbahagi sa Instagram ng larawan nila ni Ronnie.
Dito ay tinawag ni Loisa si Ronnie na “Bebeh of my life.”
Matagal na ang bulung-bulungang may relasyon na ang dalawa.
Ngunit sa huling panayam ay sinabi nilang “mutual understanding” lang ang estado ng kanilang relasyon.
