PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Macky Mathay warns troll who attacks girlfriend Sunshine Cruz online

Macky Mathay to troll: "Kung ako sa 'yo manahimik ka na lang kasi alam mo ang katotohanan. Galamay ka lang!"
by Arniel C. Serato
Published May 31, 2018 | Updated May 31, 2018
Binalaan ni Macky Mathay ang isang netizen sa Facebook na huwag nang makisali sa gulo na sangkot ang girlfriend na si Sunshine Cruz at Brunei-based businesswoman na si Kathelyn Dupaya. 

Ipinagtanggol ni Macky Mathay III ang girlfriend na si Sunshine Cruz laban sa nagtu-troll dito kaugnay sa investment mess na kinasasangkutan ng aktres at ng negosyanteng si Kathelyn Dupaya.

Sa kanyang Facebook post ngayong araw, May 31, sinabihan ni Macky ang isang netizen, na may user name na Yapadu Lahoylahoy Sunnix, na manahimik na lang dahil alam naman daw nito ang buong katotohanan.

Sabi ni Macky, "Kung makapag-post ka sa Facebook Yapadu Lahoylahoy Sunnix parang hindi mo alam kung ano talaga ang nangyari.

“Na nanahimik lang ako dahil mga babae ang nagtatalo dito, ngayon [pero] ng mag-post ka against my Sunshine, ako ngayon ang tinabla mo.

“Kung ako sa 'yo manahimik ka na lang kasi alam mo ang katotohanan. Galamay ka lang!”

Ayon sa source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), si Yapadu Lahoylahoy Sunnix ay kamag-anak daw ni Kathelyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-invest si Sunshine ng milyong pisong halaga sa negosyo ni Kathelyn noong 2017.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa raw naibabalik ang halos kalahati ng kanyang na-invest sa Brunei-based company ni Kathy.

STORIES WE ARE TRACKING

Bukod kay Sunshine, ilan pang pangalan na nasangkot sa nasabing kontrobersiya ay sina Ynez Veneracion, Ara Mina, Joross Gamboa, Dianne Medina, at ang perfume magnate na si Joel Cruz.

STORIES WE ARE TRACKING

Sinampahan na ni Joel ng reklamong estafa si Kathy.

STORIES WE ARE TRACKING

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Binalaan ni Macky Mathay ang isang netizen sa Facebook na huwag nang makisali sa gulo na sangkot ang girlfriend na si Sunshine Cruz at Brunei-based businesswoman na si Kathelyn Dupaya. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results